eto n ba yun??

November 19th, 2009 Tagged , , , , ,

Hindi ko alam kung anung nangyayari sa akin. Bigla na lang na may dumating na tao sa buhay ko. Taong hinding hindi ko malilimutan kahit mgkaamnesia pa ako.

Eto na ata ang sinasabi nilang truelove

Yung lahat lahat gagawin mo para sa kanya.

Yung pakiramdam na kelangan ko magpalakas at magpakatapang para sa sandaling may magtangkang manakit sa kanya .poprotektahan ko siya kahit ikamatay ko pa.

Yung pakiramdam na gusto ko alagaan sarili ko. Alisin lahat ng nakakasama sa akin , Ipagpatuloy ang pagkain ng makulay na gulay. Para sa darating na araw maaalagaan ko siya habang buhay.

Yung magtabi ng konting pera sa kada sweldong nakukuha ko para sa sandaling magkaroon na kami ng labing isang anak ay meron kaming ipangtutustos. wahahaha

Yung tipong i need to be a better person cause she deserves a better me.

She was my Inspiration, My motivation and My Happiness.

minsan tinanong nya ako,

BKIT AKO? DAHIL BA MAGANDA AKO?

Ang yabang ng mahal ko noh? hahaha. ang sarap ikiss ng mdaming madami.haha.

Ang totoo….hanggang ngaun… hindi ko pa din alam eh. Ang alam ko lang I dont need reasons para mahalin siya. Cguro ayun na ang mission ko sa mundo. Ang mahalin siya hanggang matapos ang forever.

hehe. kamakailan lang i heard the most amazing yes it could ever be. masayang masaya ako. matutulog na lang nakangiti pa ako.

i love u mahal ko.

The End

o(♥3♥)(♥_♥)o

November 8th, 2009

Ngayung mga oras na ito. Habang pinpili ko ang mga letrang pwedeng pindutin sa keyboard sa pagawa ng blog. Ay naririnig ko ang mga tawanan ng mga taong lasinggero sa kanto. Tawang nakakanginig ng laman. Parang mangkukulam lang na nakakita ng mabibiktima. Nakakatuwa dahil wala akong maisip sabihin sa mga sandaling ito. Dahil sa mga oras na ito ay isang tao lang ang laging  laman ng isip  ku.

Hehehe. STOP!!!???………………

 

 

 

 

(iniisip ko kasi siya ngaun kaya tumigil muna ang mundo ko)

Back to D bussiness

 

Naranasan  mo na ba ?

ang pakiramdam na maging seryoso ka sa isang bagay? Yung tipong isasantabi mo muna ang pagiging pilosopo mo.?

Ang hindi mapagod kakaisip ?

ang mamiss ang isang bagay na hind naman nawawala?

ang magalala ng sobra sobra?

ang makinig sa tinig na para sayo ay musikang walang kasing ganda?

ang matulog na dilat ?

ang pakiramdam na gusto mo alagaan ang isang bagay?

ang gawin lahat ng ikakasaya nya?

ang kiligin sa mga tawa nya?

Ako kasi hinde pa. Sa Kanya pa lang.

 

NUng una natatakot ako na balang araw ay baka mawala  na lang siya. Pero naisip ko, Bakit ako matatakot? kung ang isang segundo  na  nariyan siya ay may hatid na panghabang buhay na kaligayahan.

Bata pa lang ako sinanay na akong magbantay ng tindahan, Ang turo sa akin pag sobra suklian mo. Kaya dahil SOBRA SOBRA ang hatid niyang saya para sa akin , SUSUKLIAN Siya ng aking pagmamahal

If she will be a music, Kahit anung type p yan. I WILL DANCE FOREVER.

The End

sweet DpDG

October 27th, 2009

ahh magsisisi pala ok… now i know… cge di na ko makikipagusap…. kasi nagsisisi ka pala thanks ha… ganyan ka pala


Hehe. ganyan siya maglambing sa isang kaibgan. Haha. It takes a while din  para magsorry ako sa knya. tapos nalaman ko nangaasar lang pala. haha. ang lupet talaga nya. Ayun natatawa na lang ako. Pero hnd kapanipaniwala ang storya ng aming friendship.And it started with ganitong pangyayari….

Napagtripan ko nanaman mgbasa ng horroRscope sa friendster nung araw n iyon. at ang sabi ng  hula ay  ” ang cute cute mo talaga. Promise!!”  . wala akong nagawa kundi ang maniwala. Tatanggi pa ba ako? Hahah.  (joke lang) .Ang tunay na sabi ng hula ay  “makakakilala ka ng isang bagong kaibigan na magnanakaw sa iyong attensiyon.” Napangisi ako at sabi ko sa sarili ko “ilang beses na ako nanakawan ng cellphone  pati b anaman attensiyon ko nanakawin p rin? “at naglogout na aq. At binalewala  ko ang sabi ng horroRscope ko.

On the next day , a notification was sent to my ymail saying you have one friendster message. dali dali akong nagopen ng friendster baka sakaling chiks ang nagmessage. At nakita ko nga!!  Wow chiks!! Dun ko nakita ang isang anghel na walang pakpak. At ang sabi ay ” cute pwede mkipagfriend?”

( haha. dinagdagan ko lng ng  salitang cute. may angal?)

 I dont know  kung anung pumasok sa utak nya at ako ang napili nyang kaibiganin. At xempre dahil mabait ako i accepted her request. D2 na nagsimula ang aming friendship.

Sa aming Pagkakaibgan madami akong natutunan. tulad ng anu..haha.anu ba? teka isip muna ako.. next question pls. uhmmm. tulad ng..

1. magluto ng sinigang ng ang sangkap ay libag.

2. mga bata ngaun ay hndi na nakakanuod ng zenki

3.wag kang magsalita sa phone nang madami dahil minsan wala ka palang kausap.

4. bato bato sa langit tamaan sapul (wahaha. wala n maisip eh) 

5. hnd lahat ng blog dapt mgnda ang ending.

6. huwag gagamit ng salitang sisi at singit.  baka may magagalit ( o ha? rhyme.hehe)

Madaming katangian ang tuwang tuwa ako sa kanya . Xa yung taong natural na natural.   kung gusto umiyak, iiyak xa. kung gusto mkipagbasagan, makikipagbasagan xa. kung gusto ng asaran, mkikipagasaran xa.  Na pag ayaw nya ayaw nya. haha.( parang spoiled eh noh) Pero hnd naman.

 Na sa lahat ng oras na kausap m xa, hnd masasayang oras mo may sukli ka pa .

* to DpDG-  ei tapos ko na yung pinangako kong entry na ikaw ang topic. haha. about sa problem mo kaya m yan ok? pag hnd m n kaya kwento m sa akin para kayanin natin ha? miss ko n kwentuhan natin. ingat. take care.

The End

123 takbo!!

October 21st, 2009

Ang bawat tao sa mundo ay may kanya kanyang tinatawag na takbo ng buhay. Ibat iba ang kahulugan nito sa bawat isa sa atin.

Parang ngaung eleksiyon, Madami ang tatakbo. Ewan ko nga bakit ang salitang “TAKBO” ang ginagamit dito eh. wala namang karera at wala din namang kabayo.

Para sa iba naman ang takbo ang nagsisilbing buhay nila. halimbawa na rito ay ang mga snatcher. Malamang kapag hindi sila tumakbo , its either tanga sila o kaya naman nagpapampam lang. gagu nga!

para naman sa akin ang salitang TAKBO  ay ang pagrespunde sa mga naaksidente o anu mang bagay na nangangailangan ng first aid care gamit ang ambulansya. TAKBO ang term na ginagamit namin. Bawal ang kukupad kupad. Bawal ang tatamad tamad. Bawal ang tutulog tulog. Parang lahat na lang ng sa akin  ay bawal. Away ba gusto nila? haha

MGA EKSENANG PILIT TUMTAKBO SA AKING ISIPAN

1.**sira ang aming ambulansya ng may biglang traffic enforcer na lumapit sa akin

traffic enforcer:  may banggaan! dun

ako:  anu po nangyari?

traffic enforcer: may aksidente dun motol..

ako: motol? (kala ko putol )uyy!1 putol daw bilisan natin

workmate: tanga motor daw!!

ako: haha. sorry tao lang

at literal naming tinakbo ang naaksidente buti na lang at kaunting galos lang ang kanyang natamo.

2.** papauwi ako galing trabaho at kasalukuyang nasa biyahe

ako: bayad po? (habang inaabot ang bayad sa katabi)

katabi: (tumitig ng masama sa akin. kunot ang noo at itinaas ang isang kilay)

ako: anu kayang problema nito? (sabi ko sa aking isipan)

katabi:( patuloy pa rin sa pagtitig) anu to jeep?

ako: (napahiya dahil naalala ko nakasakay pala ako sa bus) hehe

Lately may nakilala akong isang kaibgan.  Hinahamon daw  ba akong basagan? haha. Hindi nya alam matagal na akong Basag. wala na ngang  babasagin itlog na nga  lang eh. haha. Pero wag ka. Isa sya sa pinaka maganda kong friend. AS in. Parang bidang artista sa isang fairytale movie. ibang iba sya. Sa unang tingin perfect na perfect xa. wag ma lang kakausapin. tiyak magsisisi ka. wahaha. Pero ang buhay nya pang fairytale din. Sa likod ng kanyang mgandang mukha ay may dramang nagtatago .Tumatakbo ang problemang mahirap malagpasan.  hoping na  sana makatulong ako sa kanya.

PAPAANO BA TUMAKBO NANG HINDI NAGMAMADALI?

KUNG MAY PROBLEMA KA PWEDE MO AKONG TAKBUHAN. WAG MO LANG AKO UUTANGAN DAHIL SIGURADO TATAKBUHAN LANG KITA

ORASAN LANG ANG HUMHINTO SA PAG ANDAR AT ANG ORAS PATULOY PA RIN SA KANYANG PAGTAKBO

SA LAHAT NG PWEDENG MATAKBUHAN SI LORD LANG ANG PINAKA MAASAHAN

The End

DOg style lang ang alam ko

September 29th, 2009

“Marvin!! hooy marvin!! gising na!! ” pinilit kong binuksan ang aking mga mata mula sa mahimbing kong pagkakatulog nang marinig ko ang mga katagang iyon. tumambulad sa aking mga mata ang kuya ko nabinabalutan ng plastic ang mga paa. anu nanamang kalokohan yan?Aga aga eh alas onze pa lang oh” Nagtatakang tanong ko. “Tanga bangon k na diyan at binabaha na tayo” Galit na sagot ng kuya ko. ( ayun namura pa tuloy ako.)

At dali dali namang bumangon ako para tignan at magmasid sa kaganapan. Sa aking pagtayo  ay bigla akong nahilo. Naisip ko na kakauwi ko pa lang pala galing night shift na trabaho at 3 oras pa lang  pala ang  aking tulog.Pero hindi ito naging dahilan para hnd ako tumulong. “” UY TAE”” wika ko habang nakikita kong palutang-lutang ang pupu sa baha. sabay tawa na lang ako kasi lulusong na ako sa baha. “‘ Bahala na tae lang yan. Iisipin ko na lng HAM yan” dali dali na akong  lumusong sa baha para iakyat ang mga pwedeng iakyat.

makalipas ang ilang sandali lang  ay mablis na tumaas ang tubig. Ang kaninang hanggang sa tuhod ay nasa bewang ko na. muli nanaman naming nilipat ang mga gamit na nilipat namin sa nilipatan ( pweehh!! parang tongue twister lng eh!) Lumabas ako ng bahay para makibalita kung anu na ang nangyayari. Ibat ibang reaksyon ang napansin ko. Mga batang tuwang tuwang naglalaro sa baha, Mga tambay na nagaabang ng mga babaeng basang basa at bakat na bakat ang ano, ( haha. hnd ako kasali dito) Mga Magulang na  walang tigil na natataranta, at mga chismoso’t chismosang  nagchichismisan. (sobrang cheesssy!!) Meron ding mga kapitbahay na walang sawa sa pagtulong. Ang iba nga eh tumutulong pa maglikas ng mga gamit eh. Yung nga lang pauwi.

Sa mga pangyayaring ito. Ang dami dami kong natutunan. as in sobrang dami.halimbawa na lang na classify ko ang mga bagay na lumulutang sa baha at lumulubog.

mga bagay na hindi ko inaasahang lulutang:

3.favorite tshirt ko ( huhu. panu ko pa susuutin yan!? dirty n yan.haha)

2. refrigerator  (hnd nga ako makapaniwala eh)

1. kakyutan ko ( wahahahahahahahahahahahaha. no comment. bwahaha)

mga bagay na hindi ko inaasahang lulubog:

3. ako sa utang  ( baon na baon na ko. sino pwede utangan jan? )

2. ung tae este HAm pala (eh kala ko tuloy tuloy na ung pagdaloy nun eh)

1. ang ibang mga bayan tulad ng marikina, qz, quiapo,pasig at iba pa.

DAMN!! naputunayan ko na walang impossible sa mundo. Lahat pwede mangyari. lahat pwede maganap. Na sa isang iglap lang ayan na. wala ka ng mgagawa. iiyak at tutunganga ka na lang.

kaya nga ako. hindi na ako pumasok muna sa trabaho. nastranaded kasi ako . saka mas pinili kong manatili kasama ang pamilya ko,

magkaisa to become one sa oras ng pangagailangan. makikilangoy ako kahit DOg style lang ang alam ko.

pls donate sa mga nasalanta ng bagyong ondoy.

GOD LOVES US IN EVERY WaY.

The End

eksakto sobra ng isa

September 16th, 2009

Naglalakad ako sa pink footbridge ng MMDA nang may bigla na lang ako naalala. Madami na pala sa mga katanungan at hiling ko ang nasagot na ng panahon at mga pangyayari. Kaya nga  nakangiti akong tumingin sa langit para magpasalamat. At biglang tumambulad sa akin ang maitim na ulap  na ngbabadiya nang malakas na pag-ulan.

Dali dali akong tumakbo para maghanap ng masisilungan. Dun ako napadpad sa pito - onze( 7/11). Pumasok ako sa loob kasi may nakita akong sexy na nagmemerienda dun. Wala lang .. pinagmasdan ko lng xa hanggang tumila ang ulan.

naalala ko tuloy ung babeng nkascrub suit na nkita ko sa red cross. Maniniwala ba kayo na nakita ko xa ulit? natupad ang hiling ko na magkita kming muli.  Well malakas din ang ulan ng mga panahong iyon. araw ng Libing ng isa sa mga nirerespetong tao ng mga kapatid natin sa iglesia.  Naatasan kasi kmi na mging standby medic dito. para kung sakaling may mangyari mang disgrasya  agad kami to the rescue. Naglalakad ako para maki usyoso..hehe. nkita ko ang isang tent ng redcross.. Tinignan ko  yung mga tao dun.  Andun ang babaeng nakascrubsuit na pinapantasya ko. hehe. nagpapabango at nakatingin sa akin. pakirmdam ko na may sinasabi ang mga mata niya na:

” halika d2 at kainin mo ako” (wahaha.joke.) xempre natorpe nanamn ako.  bumalik agad ako sa ambulance namin at kinuwento ang mga pngyayari sa isa s katrabaho ko

ako: ninya samahan mo ako

ninya: saan?

ako: dun sa red cross

ninya: anu naman gagawin natin dun?

ako: andun kasi yung crush ko pakilala tayo

ninya: paano?

ako: kunyari magpapakuha tau ng blood pressure. tara dali!!

ninya: gago medic tau.obvious na nanloloko lng tau eh

ako: tanggalin natin yung ID natin.

ninya: ge cge.

at pumunta na kmi duon sa red cross tent. Pero wala na xa. huhuhuhu

sad nanaman ako. tsktsk..

Ang kaalaman kung alin  ang tama sa mali ay hindi sapat, Ang pagawa  ng tama ay mas nararapat.

-kaTAMAran (pampakorni)

hindi mahalaga kung ano ano ang iyong mga nagawa ang mahalaga papaano mo ito ginawa.

Iisama natin ang Diyos sa lahat ng LAKAD natin. tiyak TATAKBO ang iyong kasiyahan

——————–eto po ang sobrang topic——————-

guso ko lng pala magpasalamat sa mga ngcomment sa blog ko. i greatly appreciated it ng sobra.

Ka-friendster frnd ko na xa.I olweiz visit hs page nga eh.. ang galng kasi nya gumawa ng mga blogs..naka2aliw.. ang kulit-kulit.

-kristine T

Hey, i jst wanted to say ang saya mgbasa ng mga blog mo. lalo n ung palit anyo. hehe. nice.

-angie

oist pare!…pwede k plang writer eh…hehehe :) msxadong mlaman ung blog moh ah at im xur c meggy lng ung tnu2koy moh dun…hehehe joke lng :) yngatz na lng pare!god bless :)

-maricar

wow naman astig ‘to ah.. ito yung mga blog entry na gusto kong binabasa.. yung may aral sa dulo..

-otep

——————————————————

salamat po sa inyong lahat..hehe

The End

bakasyunan

September 3rd, 2009

At sa wakas may pinagkalagyan na rin ako. Binigyan na rin  ako ng lugar at mga assignments somewhere sa metro manila. Ang loko lokong taong kilala ninyo na  sanay na walang ginagawa, Ay isasabak na sa gera bilang   isang rescuer sa metro manila.  Ayun din ang akala ko. huhuhu.   hnd inaaasahan. Dahil ang lugar n napuntahan ko  ay isang rest house..tama isang  malungkot na rest house.. ayun ang tawag nila s station  ko. hehe

mag-iisang buwan n rin ako d2 s trabahong pinili ko. madami n rin akong opportunity n pinalagpas para lamang d2. madmi n rin akong sinakripisyo kasama ang cp ko na ndukot s MRT. hehe

(at nkuha ko p talgang tumawa eh noh?)

para sa akin kz eto ang best job para sa akin,  d2 ko mas kailangn ako. mas may mgagawa ako. maliit ang sweldo pero nageenjoy ako. at sino b nmn ang tatanggi sa bagay n gustong gusto mong gawin ay binabayaran ka pa. san k pa?

mdaming disappontments akong napansin s trabahong ito. ang akala kong mataas n kalidad n rescue team ay medyo bulok bulok n rin pala. kulang sa gamit at kulang sa ambulansya,  sobrang baba ng sahod,  walang kasiguruhan ang pgiging regular mujhang contractual ako habang buhay eh. sa mga kworkmates ko n nagsisiraan. (atribido laban s mga abusado)

at ngaun sa station n napuntahan ko ay walang ambulnsya, in other words wala akong kwenta dun..wala akong gagawin kundi mkpagtitigan sa kapwa ko medic. sumasahod khit natutulog at nakaupo lng. magsisign in tapos papalipasin ang dose oras tapos sign out na. damn. ganito b ang gusto ko? eto b ang hinahanap hanap ng katawan ko? ang tumambay sa station? haha. ang mgbntay sa station nmin. tumingin sa mga dumadaan umaasang may chiks n makikita. haha.

sana pala nagsecurity guard n lng ako. ganun din nmn pala  eh.joke

hehe. sa bagay alam ko na ang  lahat ng eto ay pagsubok lamang. humingi ako ng guidance kay Lord kaya alam kong wala akong pagsisihan. i am in the right direction.

siguro part lang eto ng training ko. Hnd ako isasabak s gera ng walang dalang ballpen. walang nakakaalam what will happen next.

so enjoy everything.

The End

usok ng maynila

August 24th, 2009

malaki na talaga ang pinagbago ng buong metro manila , bibihira na lang ang hangin na masarap langhapin. madalas ang hangin na nalalanghap ko ay hangin galing sa tambuntso ng mga sasakyan at sigarilyo.  hangin na makati sa ilong at sa lalamunan,! hangin na nakakahigh,  hangin na nakakacancer at hangin na nakakamatay. wow! hanep!

minsa’y may natanong ako sa isang taong naninigarilyo. “bkit po kayo naninigarilyo? ” naasar lang ako sa sinagot nya sa akin.  ang sabi nya ay ganito :

mas prone kz sa lung cancer yung mga taong hnd nagyoyosi, hnd kz cla immune sa usok. kaya ngayosi n rin ako.

(wow! hanep sa palusot.  ibig bang sabihin ba nun mkikidagdag pa xa sa mga papatay sa kapwa nya!?)

damn! hnd naman ako galit sa mga taong nagyoyosi .. pero minsan ay este madalas palang  sumasama ang loob ko sa kanila. OK lng sana kung sa tamang lugar sila nagbubuga ng nakakalasong hangin nila.  pero hnd eh. tsktsktsk talaga..

ayoko dumating ang araw na ang hanhin na hihingahin natin may bibilhin na natin sa sabrang taas na ng pollusyon sa pilipinas.

SANA ALAGAAN NAMAN NATIN ANG MGA BAGAY NA PINAHIRAM LANG SA ATIN. kung sa kaibagan nga natin pag nanghiram tayo ng gamit niayaw nga natin magasgasan db? eh panu pa kaya na SIYA ang nagpahiram ng kalikasan. dapat alagaan natin to the max

The End

isang milyong bakit

July 29th, 2009 Tagged , ,

Sa lahat ng napagsabihan ko,

Halos iisa lang  ang bukang bibig nila.

bakit?

baket?

baaakeettt?

bhakit?

bakit?

at

why? (englishera pa nga  yung isa eh)

sabi ko namn …

bkit hinde?
madami ang nagtaka. pero xempre wala silang magagawa.  desisyon ko to eh.. at pagnagdecide n q. himala na lng makakapagpabago ng isip ko kapag alam kong tama ako..

xempre hnd ko malalaman kung tama  ang isang bagay hanggat hnd ko nasubukan at naramdamang  nagkamali ako.

medyo nakakatuwa nga lang pkinggan pero marangal nmn  ito. at ang mgnda pa gusto ko naman toh..

ano ba ang sinabi ko sa knila? sabi ko lng nmn na  MMDA ako. haha. xempre pasuspense lng ako. kaya sila nagtaka kasi hnd nila alam na may rescue team na ang MMDa. kala nila traffic enforcer eh..hehe

tama malapit na ako magsimula bilang MMDA rescuer.

KALSADA ANG MGIGING PANGALAWANG TAHANAN KO

sa palagay ko mas may silbe ako d2 kaysa sa hospital at sa bahay. though mababa ang sweldo mgnda nmn sa pkiramdam angmay silbe ka sa lipunan

sawa na akong maging walang silbe.

Wala akong lakas na gaya ng kay superman, wala din akong bilis at liksi gaya ng kay  flash at lalong hnd ako kasing kisig ng night with a shinning armor ninyo. Pero handa akong magsilbi at mging tagapagligtas ninyo sa oras n kelangan ninyo ako. haha (bangis)

naniniwala ako sa kasabiahang BASTA METRO GWAPO..haha

sa milyong milyong tao sa mundo, Ikaw lang ang napili Ni LORD na mging ikaw. alam kas NIYA na ikaw lang ang may kakayahan na mging Ikaw .

Para sau talaga ang problema..para sa ikakabuti mo..

binigay sau yang problemang yan dahil ikaw lang ang may kayang magsolve nyan.

The End

paalam na OB..

July 18th, 2009

nagbabasa ako ng naruto manga nang bigla ko naisip na

2months after na pala  nang una kong iniapak ang mga paa ko sa komplikadong mundo ng mga kababaihan sa OB WARD..Ngaun bkit parang ang hirap ilabas ng mga paa ko na nasanay na d2? ewan

nung una ng nalaman kong sa OB aq maasign. sabi ko sa sarili ko

“patay wala akong matutunan!”

nagkamali lang  pala ako.

maraming mga bagay ang itinuro sa akin ng maikling training q duon. mula sa mga patiente at knilang mga bantay,mga kababaihan, mga kaibgan, mga kasama, mga doctor at mga nakakataas..

PASYENTE - ibat ibang pasyante ang dumaan sa aking mapangalagang kamay (naks.. may ganun) meron akong nakilalang kapitbahay lang pala namin, asawa ng pinsan ko,  officer ko school , may topak, sobrang yaman,, , meron ding mahirap , wlang kasing hirapo kaya naman mga bilanggo,Hnd din mawawala ang sobrang kulet, sobrang sunget o kaya minsan naman ay sobrang bait. haaaayyyy..

sa knila nalaman ko ang halaga ko bilang  isang nurse! na nandun cla hnd dahil trip trip lang nila kundi dahil kelangan nila tayo. Para sa akin hnd sila pasyente, They are humans that needs  love and care.

BANTAY at BISITA - haha,hnd naman lahat pero karamihan, as usual sila ang pinaka sakit sa ulo sa hospital. mas matindi pa sila sa pulis kung magtanong, mas grabe pa sa chief nurse kung mang-utos at higit sa lahat sila mas nakakatakot pa sila sa aswang kung magalit! ahehe.. But i salute them! It shows lang na kung gaano sila kconcern.. minsan nga mas magling p talaga sila.

(oo na mas magaling na sila mas cute namn ako,,bleah)

KABABAIHAN - dit umiral ang mundo ko sa loob ng dalawang buwan. natutunan ko dito ang ibat ibang klase ng lochia. haha. amoy pa lang distinguish na distinguish na. nyaahaayyyy.. Nalaman ko rin ang hirap na dinadanas nila.. ang sakit at kirot s twing manganganak sila. Damn. narealize ko walang sense ang pagkakaroon ng mgnda, seksi o maraming girlfriends kung hnd mo cla kaya alagaan. huwag natin clang lokohin o paglaruan. ang hirap pala ng buhay nila.

(asuuusss.. ako b talaga nagsulat nito??)

hmmm. huhu. naalala ko tuloy yung crush ko.. lagi na lang. parang naririnig yung mga tawa at halakhak nya. wheeww nung nkita kong nakatingin xa sa akin habang nakangiti, DAMN! muntik na akong matunaw parang icecream!

(ok lng  matunaw bsta didilaan nya ako parang icecream! haha!!bad marvin bad!)

FRIENDS & Colleagues - syempre! sila ang d best! sila ang mga kakampi ko nung nsa hospital pa ako. lahat cla may itinuro sa akin sa knila knilang paraan. Hnd mawawala ang katuwaan, kulitan,tampuhan, asaran, suntukan, saksakan, patayan,barilan, hostage taking, haha, joke lng. hehe. alam ko mhirap magkawatak watak ang grupo. it was a great pleasure na nakilala ko sila. salamat salamat.

It was destiny that brought us together now its our choice to see each other again ryt? ( hnd ko alam san ko napulot to!! haha) this is not the end! simula pa lng ito ng samahan natin.. hnd ko sasabihing see u soon it is better kung sasabihin kung see you later aligator.. kopyahan sa eksam ha? haha

dOCTORS,, - wla nkong masabi eh bye!! wahahaha. cguro hnd lang ako maxado nkipagkaibgan sa mga doctor dun..wala kasing pansinan eh.. hahaha. uhmm alam ko na.. natuto ako sa knilang magpareseta ng gamot.. haha. pero mababait sila ..sana..

STAFF and CM - well well well, ang natutunan ko sa knila ay….sobrang dami. from A- Z..ibig kong sbhin lahat ng pwedeng gawin sa hospital from Admittion hanggang z? anu ba ung Z?  wala ako maisip eh… alam ko na ..hanggang sa ma dischargeZ ..haha. xensa na..

paalam na OB WARD ..

next destination..

“KALSADA” anu kaya naghihintay sa panibagong yugto ng buhay ko?

sa kada lungkot na dumating may sayang naghihintay mapansin.

The End