SANA NAGARTISTA NA LANG AKO!

Nagsimula ang lahat ng mauutusan ako ng aking tatay na magapply sa NAPOLCOM ng elgibilities para maging pulis. Nong una ayaw ko pa. Para naman kasing napakalayo ng kursong tinahak ko sa pagpupulis na yan. xempre dahil utos ni ama eh wala akong mgawa tutal tambay nmn ako.

Pagdating ng buwan ng oktubre kumuha na ako ng PNP entrance exam. Hnd ko maxadong sineryoso  ang pagsagot sa bawat tanong na nababasa ko. Naalala ko nga may katanungan pang  kung anu ang  pangalan ng leader ng MILF na nanggegera sa Mindanao. Buti na lng may choices. At dahil may choices mas madaling hulaan. Board exam nga nahulaan ko eto pa. tsktsktsk.

Sa kabutihang palad after 3months ay lumabas na ang result. Hnd naman  sa pagmamalaki  ay alam kong pasado na ako.Pumunnta agad ako sa NAPOLCOM para iverify ang result. Hnd naman nagkamali ang aking kutob at pasado naman ako. Nagtanong ako sa kanila kung what ba ang nxt step sa pagpupulis at pinayuhan ako na magpunta s camp crame.

Sa pagpunta ko s camp crame tinanong ko yung Pulis na nagbabantay sa gate ng crame.

ako:  sir san po b pwede magapply para magpulis?

pulis: Magpupulis ka? sigurado ka? Dun ka s HSS

ako: SAn yun?(habang kumakamot sa ulo)

pulis: (tinuro ang direksyon) kunin ko ID mo

ako: (nilabas ang licensed as nurse) eto po sir

pulis: oh nurse ka tapos  magpupulis ka? sabay ngisi

Matapos ang mahabang habang usapan sa gate guard ay hinanap ko na ung HSS na un. nagkaligaw ligaw pa nga ako.Pero buti na lang at nakita ko rin ung building na hnahanap ko. DUn ko nakita ang isang babaeng pulis na ngbabantay sa reception area

ako: mam san po b pwede maginquire sa pagpupulis saka mga requirements po

babaeng pulis: sino magpupulis? papuntahin mo xa dito

ako: mam ako po sana eh.

babeng pulis: magpupulis ka sigurado ka?

ako: opo eh (tapos smile) napagisisp isip ko parang dejavou

babaeng pulis: cg pasok ka jan

ako: thank you po

at dahan dahan akong pumasok sa isang pinto. damang dama ko ang aircon ng kwartong yun.. Naghanap ako ng mapagtatanungan.Hinanap ko yung taong mukhang mabait. Sa kasamaang palad ganito ang eksena

ako: mam hihinge po sana ako ng requirments para magapply ng pulis.

babaeng mukhang mabait: Hnd ka b pwedeng maghintay jan! (galit na sinabi)

ako: ok po, paxensa na po

akalain mo kung sino ang pinaka mukhang mabait xa pala ang pinakamasungit. buti na lang may lumapit at parang naawa sa akin dahil pawis na pawis na ako at inabot sa akin ang isang mahiwagang papel na naglalaman ng mga requirments.

manong na lumapit: oh eto ipaphotocopy mo sa labas

ako: ay sige sir.

paglabas ko . wla akong mkitang paxeroxan ko kaya ginamit ko ang aking mhiwagang ballpen at papel para kopyahin lahat ng nilalaman. sabay bumalik na agad ako.

ako: sir eto po, salamat po

manong pulis: ang bilis ah? teka sino magpupulis? ilang taon k n b?

ako: ako nga po eh. 21 po sir

manong pulis: kala ko nautusan ka lng bumili ng suka. (sabay tawa)

ako: (tawa na rin) oo nga po eh.

manong pulis: ayaw mo magartista na lng? anu b course mo? board passer b?

ako: sir ipaubaya ko na lng sa ibang mas gwapo angpagaartista (pabiro kong sagot) nursing po at board passer n rin po.

manong pulis: ayos ah? cg bumalik k d2 ipasa mo yang mga requirments mo sa akin.

ako: cg po sir. salamat po ulit. (sabay alis)

umpisa pa lang wala ng nagtitiwala sa akin sa pagpupulis ko. gusto ko nga ba to? tanung ko sa sarili ko. parang! parang! at unti unti ko ng nagustuhan. hanggang naging desedido na ako. Dun na nagsimula ang pangarap ko sa buhay. Nagkaroon ng direksyon ang aking pagkatao. Sa wakas may gagawin na ako at hnd na mgiging tambay.

kinumpleto ko ang aking mga requirments at pinasa. Grabe din ang hirap na dinanas ko. samot samot clearance ang kelangan  ipasa at dapat lahat authenticated. ginto, pawis, dugo, sipag ang kelangan.

sa NSO

ako: mam kukunin ko na po birth certificate ko for PNP requirments po

teller: magpupulis ka? kaya mo? bkit?

ako: simple lng mam. gusto ko lang baguhin ang masamang imahe ng kapulisan ngaun! (joke lng) eto ang tunay kong sagot

” gusto ko po eh.”

teller” naku! mgiging babaero ka lng dun. madadagdagan nmnn ang babaerong pulis

ako: ahahaha. hnd naman ako babaero nmn eh(sabay kuha s NSO ko)

dami tanong! iaabot n lng.tsktsktsk. haba na ng pila sa likod. nagpaparinig na nga eh. kaya dirediretso akong umalis

Sa wakas nakumpleto ko n ang mga requirments ko. Nakahanda na ako para ipasa ang mga nasabing  requirments,Wow! pagpasa ko rejected agad. hehe. tatlong beses ko binago ang folder ko. Napakamabusisi. dapat lahat tama. dapat lahat maayos. dapat lahat malinis ang pgkakagawa. ininterview ulit ako

po1: magpupulis k?

ako: (ilang beses ko n narinig ang tanung n to ah?) opo mam

po1: kaya mo? magartista k n lng. sali k survivor

ako: ahehe. mam talaga mapagbiro

po1: bwahahahaha(wariy naninindak)

matapos ko ng mapasa after a week lng pinagreready na kmi s agility exam. anu un? eto ung bibilangin kung ilan ang kaya mong push ups,pull ups,sit ups, 100m dash at 1k run. wow pare heavy! buti na lng medyo alam ko na na magkakaganun.Kaya every morning nagjojogging ako, tumatakbo at lahat ng pwedeng pghahanda ginawa ko. proper diet blah blah blah blah. masakit na katawan ko pero tuluy p rin ako. unti unti ko nman nkikita na ngiimprove aq ako. mula s 5 pushups eh 25 n ngagawa ko.pero hnd p sapat hanggang dumating sa araw n ng agility exam.

lahat ng pwedeng lapitan nilapitan ko na. binabaan ko n ang pride ko kz alam ko malayo p ako sa minimum requirments na kelangan.

nagsimula na ang lahat. pinatawag kmi ng alas 11am pero nagsimula kmi ay 5pm na. Muntik pa akong hnd makapgexam dahil naiwan ko pa medical certificate ko. Pero ngawan ko ng paraan tinakbo ko ang pinakamalapit na diagnostic center dun. at muli kming sinukat ang height. dun palang madami na ang nalaglag. 100 kming applicant pero 60 n lng kming natira. then pinagperform na kmi.

sobrang sakit n ng katawan ko. muntik n nga rin akong magkolapse dahil tinodo ko talaga. maghihintay na lng kmi ng result. at knina nina lang lumabas na ang result. Xempre anu p b? c Marvin ata to. malamang..BAGSAK. oo bumagsak ako. 74.5 ang nkuha kong rating and ang passing ay 75. wow. 0.5 n lng 0.5 n lng. isang push-ups na lng yun pasado na ako.anung ngyari?

after all the hardwork. after all the persevearance, babagsak din pala ako. ginawa ko ang lahat pero hnd ko kinaya. ang dami kong binigo. sarili ko,mga magulang ko,mga kaibgn ko. hayyyyy. sabi nga ng tatay ko

“kung para sa akin talaga yun papasa ako. pero 74.5 ka parang may pumipigil sau. baka May ibang plano para sayu ang Diyos”

sa huli napagtanto ko.

wag kang aasa sa mga backer backer n yan. asan na yung mga pangako nila? natulungan k b nila?

ang pinakamaasahan mo eh ang sarili mo. ang pinakamalaks mong backer ay ang Diyos at ang mga qualifications mo.

(ahuhu. eto sana isasagot ko sa interview eh. pinagihrapan kong isipin yan)

ang tanung: SUSUKO N B AKO? SAN KAYA AKO DADALHIN NG MGA PAA KO?

1_993815199l.jpg

happy holly week.

give our time to the Lord and The Lord will give His



17 Responses to “SANA NAGARTISTA NA LANG AKO!”

  1.   den Says:

    wow tol todo emote ahhh…tsktsktsk….(kunwari d tau magkakilala)

    ok lang yan ganun talga ang buhay… my bitter plan para sau.. ay better pala…

    tama c erpatz mo… kung para sau, sau talga… kc sasabit at sasabit ka kahit na pasang awa lang…. hahaha…. tignan mo ako ebidenxang buhay…. para sakin talga ang license kya sumakto pa… tsktsktsk…

    isa lang ibigsabihin nun, makisama ka.. ang mga RN dapat nakatambay lang… wlang ibang pinagkakaabalahan… hahahaha…..

  2.   marilyn Says:

    you made me laugh so hard with your blog….taos sa pusong kuwento ng struggling newly graduate….umpisa pa lang iyan ng journey ng mo as a mature person….marami ka pang kakaining bigas at makikitang challenges sa buhay….but you have to keep going until you find the right career for yourself….then you start to make money…..lots of money hanggang sa ikaw na lang ang magsawa atg maghanap na naman ng ibang career….hindi porke graduated ka ng nursing eh yon na lang ang linya mo sa buhay…..marami ka pang pagdadaanan….just enjoy whatever comes your way….but stay focus on what you really want in life and what makes you happy….Welcome to the world of reality….where the best keeps going and not looking backwards but forward toward their goals. Enjoy life and keep that humor with you all the time. Good luck!

  3.   antony Says:

    nice one, may 2nd chance p nmn para satin, prepare nlng tau ulet para hndi n sumabet.
    next time papasa n tau nila john… hehehehe

  4.   kikilabotz Says:

    @ elden- ahaha. gago k. joke babawian ko kayu s dota. hehe. humanda n kau. 4-0 pala ha? nagparaya lng ako nun kz palaspas

    @ marilyn-oo kelangan ko nga ng lots of money pang date sa mga chicks eh. hahaha.

    @ antony- nakaabot k d2?. ahaha. oo nxt tym papasa tau nila john. tol bka may pagasa p tau now. under quota p kz eh. bka ipatawag tau anytime. hehe. hnd nwawalan ng pagasa eh noh. pag wala p talga sa september n lng talga.

  5.   squire18 Says:

    aus ah.. mag-artista ka nalang tlga.. may future ka.. palitan mo si rowan atkinson.. hehehe.. PEACE!!

  6.   kikilabotz Says:

    @ rinelky- ahaha. mr bean b? wahaha. wala tau mgagawa ganun talga ang buhay

  7.   maenoodle Says:

    huy ayus un! sayang naman di ka nakapasa? lam mu ba twice ako nag-take ng exam sa PNPA.magkasunod na taon un.. pareho kong naipasa ung written exam. sobrang dami rin namin.. lahat sila sobrang gusto magpulis. ako naman.. pinag-exam lang ng tito kong colonel that tym. nung naipasa ko ung madugong written exam.. medical naman ang sumunod. kumpleto un may dental.. tapus sa mata.. ecg. x-ray. tapus ung tutuwad? para kaming mga guinea pig na pinageeksperimentuhan. tapus ung neuro-psychiatric exam.. nakakabaliw na exam. buong maghapon un ilang sets ng exam ung sinagutan namin. tapus interview sa psychiatrist. dun mas maraming bumagsak. nalusutan ko din un.. tuwang tuwa ako kasi natuklasan kong wala kong sayad. kaso.. bumagsak ako sa medical. dapat daw kasi super healthy ka pag mapupulis. mahina daw kasi ang puso ko. di ko kakayanin ang training. alam ko naman un eh. ni hindi ko nga kaya magpush ups kahit isa noh? di ko lam kung mabigat ang katawan ko o mahina lang braso ko. or both?

    ni-try ko din ung powers ng tito ko.. pero hindi un ubra. walang backer-backer sa pnpa. di rin mkapaniwala ung mga pulis na nkakausap ko saken. sabi pa nung isa.. “ur so fragile… u can’t be a policewoman! woman of the police pede pa!” hehe.

    try mu sa PNPA CAT! gang 22years old pede dun. pag naka graduate ka dun paglabas mu ng academy inspector kana! bigtime.

    sori sa napakahabang comment :D

  8.   maenoodle Says:

    nakakapanghinayang talaga.. try mu ulit ah?? ayus lang un kung nurse ka na pulis. ganun talaga. marami rin akong nakasabay na nurse. engineer at kung anu-ano pa. pag di ka nakapasa pede naman ung lateral entry ata ang tawag dun? depende un sa course.. pero i think pede un tutal RN ka naman. waw ha! kaya mu un.. goodluck!

  9.   jex sah'pahk Says:

    d ba ang inay mo e pulis?!?

    ahahaha oo nga pala muntik ko na nga palang makalimutan

    hindi k a nga pala umaasa sa bucker ahaha

    ang itay ko din e isang lispu :D
    go kaya mo yan ! wag kang aayaw~! Think Positive (Revicon Forte) nyhahaha @_@

  10.   kikilabotz Says:

    @ mae- hahah. talga at ngtry k rin pala magPNPA? yap pwede aq dun. uhmmm sayang ay may problem k sa puso. brocken hearted k cguro that tyme. hehe. nwei tnx sa mahabang comment nagenjoy ako

    @ jex- uu mama and papa ko eh parehong algad ng batas dati. ngaun hnd na.

  11.   ishekyut.. Says:

    grabe…

    natawa aq dun.
    wahahahahahahhahahahahahahahahhahaha :p

    0.5 nlan pla un?..
    d pa niroundoff?..

    ahahahahahaha…

    3 in 1 plus 1..

    apee kaarawan..

    icecrim q?..
    ahahahahahaha..

  12.   maenoodle Says:

    irregular heartbeat lang naman.. siguro inlab minsan depende sa kislap ng bituan sa langit. ewan ku sa kanila. di raw abot sa standards nila ung kalagayan ng puso ko. eh di daw pede.. buti nga un. di na ko umabot sa physical fitness di ko rin naman kaya hehe.

    andun ako sa crame last monday may nakita nga ko mga naka-white shirt pants and rubber shoes. ganun din “costume” ko nung nag-apply ako. ayun siguro ung mga nakalusot na kasabayan mu?

  13.   glesy the great Says:

    matagal ko ng natutunan na kung ukol, bubukol.. dati akong accounting student.. tapos as in mega effort din ako na parang gaya mo.. pero talagang ayaw talaga ako ng diyos dun… kaya nung nag shift ako ng nursing (oo, magka-uniporme tayo).. parang lahat ng bagay sunod sunod na umaayon…

    merong isang sira-ulo kong kaibigan na binigyan ako ng advice na itoss coin ang mga bagay na dapat kong pagdesisyunan.. ginawa ko nga.. pero surprise-surprise tama si piso… ahehe.. pero di ko inaadvice sayo yun… kung san ka masaya.. go… never say die.. yakang-yaka yan.. cheers? cheers;p-glesy the great

  14.   kikilabotz Says:

    @ ishe-haha at d2 mo p aq binati ng api kaarawan ha? nyahah. salamat salamat. oo nga eh sayang na sayang. .5 n lng lapit n q sa taginting ng tagumpay. anung icecream k jan. kaw may utang sa skin noh?

    @ mae- salamat ulit sa muling pagdalaw. hehehe. uhmm disrythmia? uhmmm. kaw b ngpacheckup k na b?
    uu cla ang aking mganakasabayang. nakputi at nkarubbershoes. haaayyyyy . panget ng costume nila anoh? hahaha

    @ glessy- great k talga noh? at nursing k rin pala ha? ayos may kakwentuhan n aq. panu yan sayu aq masaya eh? hehe. joke. try q mnsan magtosscoin ng barya pero hnd piso bentesingko sentimos lang walang budget eh.

  15.   gudang Says:

    angas mo ah! gwapo ka ba?! ahahah :)) dmeng nangloloko sayo! amf.. ahahha :D angas.. maghanap ka na lang ng trabaho as a nurse.. :D sayang pinag-aralan mo.. :D

  16.   kikilabotz Says:

    @ gufang. joke lng hnd aq gwapo. wahahaha. pinagtritripan lng nila ako eh. heeh

  17.   venz Says:

    nice one!!!
    super drama ah..xD

Leave a Reply