butiki sa billboard

Hawak hawak ko ang aking cellphone habang wala akong mgawa sa aking bahay.  Nagmumuni muni sa mga bagay na maaring mangyari. Sa mga bagay na pwedeng maganap makalipas ang ilang araw, ilang buwan at ilang taon. Sino na  nga ba ako sa mga panahong iyon. Ano na kaya mga pinagkakaabalahan kong mga bagay-bagay sa paglipas ng mabilis na pagandar ng oras. Ganito pa rin kaya ako? inuubos ang oras sa paghahanap ng mga bagong scandal sa internet  ( joke lang .haha) o kaya naman naglalaro ng Mafia wars sa facebook at sa tagged o anumang bagay na maaring mapaglilibangan.

Ewan ko ba kung bakit sa dinadami ng mga kurso sa mundo nursing pa tinapos ko. haha.(iyaktawa) Cguro may plano lang talaga si Lord  para sa ating mga nurses. Ang maging taga pangalaga ng taong may mga sakit, Ang magbigay ng serbisyo na tayo pa ang nagbabayad, At makatulong sa mga nangangailangan na walang hinihinging kapalit .Ayun naman ang importante db? Hnd yung mga kayamanan na kikitain natin. tama b?

share ur blessing nga db?

Nagbayad nanaman ako para sa panibagong training. ngaun for 2 mos na  at sa hospital na ako nkaaasign.  Sa sobra kong swerte dun ako sa OB ward naasign. hehe. sa batch namin sa 17 trainee ako lang ang nagiisang lalaki. o db? ang swerte ko talaga! Puro babae ang gumagalaw sa mundo ko ngaun sa hospital na eto. Masaya naman. kasi madaming view. ibat ibang  klaseng view.

1_203222184l.jpg

ganyang mga view. nakatutuwa panuorin ang mga cute na baby. Yung mga ngiti ng mga mommy ng una nilang masilayan ang knilang mga anghel, yung mga pagaalala ng mga tatay sa knilang magiina. Dun mo mkikita ang isang buong pamilya.

pero hnd lahat ng pagkakataon eh happy ending. meron ding mga sad stories. may mga pagkakataon na pati ako eh maluhaluha nung nkita ko ang isang ina na umiiyak dahil sa hnd sinuwerteng mabuhay ang kanyang baby. hayyy. nakakalungkot isipin pero ganun talga ang buhay ng tao.

Lahat tayo ay may kanya kanyang laban. Nasa sa atin na kung panu natin haharapin eto. pwede mong ipagpaliban, pwede mong paghandaan,pwede kang umiwas,pwede mong ayusin,pwede mong dahan dahanin pero ang hnd mo pwede gawin eh takasan. dahil hahabulin ka nito khit san ka pa magtago.

sa aking paguwi sa duty. habang nakasakay ako sa MRT. Napaisip nanaman ako.

may nabubuhay kayang butiki sa billboard?

kung ganun. ang nurse pala  ngaun ay parang butiki sa billboard. Hndi madali ang pagkapit, ibat ibang usok , ingay at lakas ng hangin ang kelangan lagpasan para manatiling nakadikit. delikado at walang kasiguraduhan. Minsan hnd na napapnsin ang khit anung sakripisyo na knilang ginagawa.

bkit nga ba nasa billboard ang butiki? hnd ko alam. cguro thats what they HAVE to do or thats what they LOVE to do.

never give-up, never give -up,never backdown (from the movie never backdown)

ang problema ay parang langaw na nakaamoy ng tae. lalapit lalapit yan pag may pagkakataon

- kikilabotz



7 Responses to “butiki sa billboard”

  1.   den Says:

    haha…. kala ko namn tungkol sa butiki ang topic mo….tsktsktsk…. kya ko sinubukang basahin kc kala ko matatawa nanamn ako….. aun naiyak lang ako…. huhuhuh… naawa ako dun sa nanay… naawa din ako sa atin, nag babayad tau para lang pagsilbihan cla… huhu… dbale wg taung susuko d nmn natin natupad ung pangarap nating ikaw nag top1 at ako ang top2 s board exam cguro sana papalarin din tau at mag kakawork tau na balang araw eh mag papakasasa tau sa pera… hahahah…..

  2.   kikilabotz Says:

    @ elden- tae.. wahahaha. hnd ko naman pinangarap magtop1..haha. at hnd nmn tau nagsabay magboard z hnd k nagtake tae ka. dapat may kasabay ako nagaaply ngaun eh. nwei training training muna tayo sabay tayo magpayaman

  3.   walongbote Says:

    eh sa lung center yang picture na yan eh.. hehehe.. 2 months lang? alam ko 3months dun.. hehehe..kelan ka pala graduate? batch 2k8 ako eh.. :)

  4.   den Says:

    kc nga para wla satin ang mag paraya…. eh panu kung nag june ako eh d ikaw ang bagsakk.. tsktsk.. piz.. ayan tinamad tuloy akon kunin ung top2ng slots.. hahaha… comment kau ke julz. i good luck mo.. xa ung nag paraya para sau nung june 2008 ehh.. hahaha.. buti talga d ako sumabay… payamanin mo muna ung mafia wars mo, dun palang parang naki2ta ko na kinabukasan natin eh.. hahaha…

  5.   den Says:

    haha.. buti pala d ko nasabu ung tunay na pangaln nung nag paraya..tsktsk

  6.   kikilabotz Says:

    @ jen- ung pics sa lungs center pero yung pinagttrainingn ko ngaun. dun sa….secret… haha.. 2 mos lang po.

    @ elden- buti hnd mo binanggit ang buong pangalan na juluz kamoteng kahoy. mayaman mafia ko sa tagged kaz walang dayaan dun. hahaha. sariling sikap. mhina aq sa networking eh

  7.   den Says:

    yhaa…. right…

Leave a Reply