palit anyo
dalawang linggo ata akong hnd nakapgnet at nkapagblog. kaya ngaun ay hinahanap hanap ng mga makakati kong mga daliri ang pagpindot pindot sa mga letra na makikita sa keyboard na toh.
puyat pa ako sa lagay na toh. kung anu na lang maisip ayun na lang ang ilagay
hahaha.
madami na ang nagbago makalipas ang isang buwan. Hnd ko akalain na ganito pala kabilis at kadali magbago ang isang buhay, ang isang ugali, ang isang pagkatao, o anumang maaring baguhin. wala n ata sa mundo ang hnd pwede magbago.
may mga taong knina kaibgan mo tapos pagtalikod mo kaaway mo na.
may mga bagay na knina ayos pa mamaya sira na.
at meron din namang pagtitinginan na knina mainit pa mamaya nagkasawaan na.
may mga bagay talaga na dapat baguhin. dahil kung hndi. Maiiwan kang constant at nkatiwangwang sa isang lugar. kung baga sa tubig kung stagnant ka dun maaring mamuhay ang mga lamok na maaring simulan ng pagkakasakit ng ibang tao.
sa akin? konti lang naman ang ngbago.. eto lang sila
nagroon lang naman ng kalyo ang hinlalaki ko sa paa. wala na akong pkiramdam dun. pinipitik pitik ko nga eh. haha
nung una isa ako sa mga taong tinutulak tulak lang sa mRT ngaun isa na ko sa mga lecheng nanunulak. bahala na si totoy bato. Magalit na ang magalit. ganun din naman eh. kung hnd ka manunulak ikaw ang maiipit , madadapa at mhihirapan. so manulak ka na lng..
Dati wala akong katiwalatiwala sa kakayahan ko bilang nurse. panu ba namn nung istudyante palang ako wala akong inatupag kundi matulog. magdrawing. uminom ng c2 sa labas. bumili ng fishball sa regalado. maglakwatsa. magdota. magbasketball. manggulo ng mga seryoso sa pagaaral. mamilosopo. manarantado. magpacute. magdungis. magkalat. magpakalat kalat. manahimik. at mangtrip. haayyyyy.(ang tanging hnd ko lang ata gnawa ay makapgdaldalan)
buti nga sa awa ni flinstone isa ako sa mga taong pumasa ng board exem na hnd siniseryoso ang pagaaral. nagkataon lang malakas ang instinct ko manghula ng sagot. ayun kasi ang specialty of the house ko. hehe
ngaun. Alam ko na nurse ako. mapagmamalaki ko na ang kursong tinapos ko. madami na akong alam na hnd ko natutunan sa aking Inang paaralan.
marunong na Ako magmagic ng VS
marunong na ako magsinungaling sa pasyente( white lies naman)hehe
marunong na ako magpalusot kung bkit lagi late
marunong na ako magpanggap na doktor sa mga patiente
(dok kasi tawag sa akin eh . hnd na lang ako umaangal)
marunong na ako hnd magpanic (relaxation teknik lng pala ang kelangan)
marunong na ako magtiwala sa aking mga kakayahan at kaalaman
at higit sa lahat natuto akong mahalin ang mga patiente ko.
ang sarap sa pkiramdam ang marinig ang mga patiente mo na sinasabi:
” buti ka pa maalaga sa patiente mo. nkikita namin na talgang concern k sa amin”
” aalis ka na? dapat kasing bait mo ang papalit ha?”
nakakatuwa. khit na pagod na pagod na ang katawan ko at stress n stress n. nakakagaan ng loob ang ganung mga bagay. na khit na ganito ako. meron palang mga taong nakakaappreciate sa konting serbisyo at tulong na nagagawa ko.
ang laki na ng pinagbago ko simula ng nagenrol aq sa training na toh.. alam ko na o GREW up.nakakalahati ko na. senior member na ako ngaun. yehey!!
tama sila. Sa mga pagkakataong nabigo ka, pumalpak ka, nadapa ka, nadurog ka, wag kang mawalan ng pagasa. Atleast sa susunod na mangyari ulit ang mga pangyayaring maari mong ikabigo, ikapalpak, ikadapa at ikadurog maari mo ng maitama ang una mong naging pagkakamali.
nga pala nangitlog na ipis namin sino gusto huminge?
Kung sakaling nawawala ka o kayay naliligaw sa daan ng iyong buhay. Dont worry Tumingin ka sa tabi mo. May Nakahawak sau .anjan lagi si Lord sinasamahan ka sa bawat paglakad na ginagawa mo.
sa mundo lahat nagbabago maliban sa isa at bukod tangi. ang pagmamahal ng Diyos sa atin.











June 22nd, 2009 at 7:38 am
wow naman astig ‘to ah.. ito yung mga blog entry na gusto kong binabasa.. yung may aral sa dulo..
malunggkot ako ngayon, pero tama ang sabi mo:
“tama sila. Sa mga pagkakataong nabigo ka, pumalpak ka, nadapa ka, nadurog ka, wag kang mawalan ng pagasa. Atleast sa susunod na mangyari ulit ang mga pangyayaring maari mong ikabigo, ikapalpak, ikadapa at ikadurog maari mo ng maitama ang una mong naging pagkakamali.”
e.. kaya lang naman ako nalulungkot e dahil umasa ako at nabigo.. pagkakamali ba ang magkagusto sa isang kaibigan? maituturing ko ba itong aral upang di na magpadala sa aking nararamdaman?
sabi nga na sa napanood ko, “kung magmamahal tayo ng lubusan, paano na’tin matatanggap ang ang araw na magkakawalay kayo? at kung ang pagkakawalay ay parte ng ating buhay, at nalalaman mo ang tunay na kahulugan nito, posible kayang magmahal tayo ng isang tao pero hindi tayo natatakot mawala ito? Sa kabilang banda, posible kayang mabuhay na lang tayo ng walang pagmamahal sa mundo?
Waaaaaa emo lang..
Off topic: Na curious ako sa comment mo, pa explain
June 24th, 2009 at 9:30 am
very touching nman t0′.while reading this im frustrated, but when i finish reading ur bl0g im hopeful na hehehe…..
June 24th, 2009 at 10:58 pm
@ otep- wahahahaha. emong emo k nga tol. ewan q mahirap magexplain eh. kaw lang ang makakasago sa mga katanungan mo.
@ chel- naks nagulat nmn aq sa id name mo. stellar tlaga ha? ahahaha.tama un wag k maxado mwalan ng pag asa. u can do it. go go go
June 24th, 2009 at 11:06 pm
ganun?
nagnobela pa naman ako dito..
hehehehehe
o yeah
nice
\m/
June 25th, 2009 at 7:56 am
may sakit kb? para kc masmaraming cryoso ngaun kesa s kalokohan.. hahaha… any way.. congrats pala senior member kn pla… teka anu baun? hahaha…. congrats ulit.. dagdagan mo pa ung mga ganitong post.. ung about s career mo masayang basahin ito pag mayaman na tau… hahahaha……xa nga pla malapit nako matapos s IVT ko konti nlng makakahabol nako.. hehehe… no match ung IVT return demo natulala lang ung mga preceptor sakin… hahaha…. d ako maxadong mayabang nahawa lang sau.. tsktsk..