DOg style lang ang alam ko
“Marvin!! hooy marvin!! gising na!! ” pinilit kong binuksan ang aking mga mata mula sa mahimbing kong pagkakatulog nang marinig ko ang mga katagang iyon. tumambulad sa aking mga mata ang kuya ko nabinabalutan ng plastic ang mga paa. ” anu nanamang kalokohan yan?Aga aga eh alas onze pa lang oh” Nagtatakang tanong ko. “Tanga bangon k na diyan at binabaha na tayo” Galit na sagot ng kuya ko. ( ayun namura pa tuloy ako.)
At dali dali namang bumangon ako para tignan at magmasid sa kaganapan. Sa aking pagtayo ay bigla akong nahilo. Naisip ko na kakauwi ko pa lang pala galing night shift na trabaho at 3 oras pa lang pala ang aking tulog.Pero hindi ito naging dahilan para hnd ako tumulong. “” UY TAE”” wika ko habang nakikita kong palutang-lutang ang pupu sa baha. sabay tawa na lang ako kasi lulusong na ako sa baha. “‘ Bahala na tae lang yan. Iisipin ko na lng HAM yan” dali dali na akong lumusong sa baha para iakyat ang mga pwedeng iakyat.
makalipas ang ilang sandali lang ay mablis na tumaas ang tubig. Ang kaninang hanggang sa tuhod ay nasa bewang ko na. muli nanaman naming nilipat ang mga gamit na nilipat namin sa nilipatan ( pweehh!! parang tongue twister lng eh!) Lumabas ako ng bahay para makibalita kung anu na ang nangyayari. Ibat ibang reaksyon ang napansin ko. Mga batang tuwang tuwang naglalaro sa baha, Mga tambay na nagaabang ng mga babaeng basang basa at bakat na bakat ang ano, ( haha. hnd ako kasali dito) Mga Magulang na walang tigil na natataranta, at mga chismoso’t chismosang nagchichismisan. (sobrang cheesssy!!) Meron ding mga kapitbahay na walang sawa sa pagtulong. Ang iba nga eh tumutulong pa maglikas ng mga gamit eh. Yung nga lang pauwi.
Sa mga pangyayaring ito. Ang dami dami kong natutunan. as in sobrang dami.halimbawa na lang na classify ko ang mga bagay na lumulutang sa baha at lumulubog.
mga bagay na hindi ko inaasahang lulutang:
3.favorite tshirt ko ( huhu. panu ko pa susuutin yan!? dirty n yan.haha)
2. refrigerator (hnd nga ako makapaniwala eh)
1. kakyutan ko ( wahahahahahahahahahahahaha. no comment. bwahaha)
mga bagay na hindi ko inaasahang lulubog:
3. ako sa utang ( baon na baon na ko. sino pwede utangan jan? )
2. ung tae este HAm pala (eh kala ko tuloy tuloy na ung pagdaloy nun eh)
1. ang ibang mga bayan tulad ng marikina, qz, quiapo,pasig at iba pa.
DAMN!! naputunayan ko na walang impossible sa mundo. Lahat pwede mangyari. lahat pwede maganap. Na sa isang iglap lang ayan na. wala ka ng mgagawa. iiyak at tutunganga ka na lang.
kaya nga ako. hindi na ako pumasok muna sa trabaho. nastranaded kasi ako . saka mas pinili kong manatili kasama ang pamilya ko,
magkaisa to become one sa oras ng pangagailangan. makikilangoy ako kahit DOg style lang ang alam ko.









September 29th, 2009 at 9:14 am
kuya!! haha.. kakatawa naman tong blog mu.. buti nlng ndi kmi masyadong binaha.. hahaha..=) mis u!!