123 takbo!!
Ang bawat tao sa mundo ay may kanya kanyang tinatawag na takbo ng buhay. Ibat iba ang kahulugan nito sa bawat isa sa atin.
Parang ngaung eleksiyon, Madami ang tatakbo. Ewan ko nga bakit ang salitang “TAKBO” ang ginagamit dito eh. wala namang karera at wala din namang kabayo.
Para sa iba naman ang takbo ang nagsisilbing buhay nila. halimbawa na rito ay ang mga snatcher. Malamang kapag hindi sila tumakbo , its either tanga sila o kaya naman nagpapampam lang. gagu nga!
para naman sa akin ang salitang TAKBO ay ang pagrespunde sa mga naaksidente o anu mang bagay na nangangailangan ng first aid care gamit ang ambulansya. TAKBO ang term na ginagamit namin. Bawal ang kukupad kupad. Bawal ang tatamad tamad. Bawal ang tutulog tulog. Parang lahat na lang ng sa akin ay bawal. Away ba gusto nila? haha
MGA EKSENANG PILIT TUMTAKBO SA AKING ISIPAN
1.**sira ang aming ambulansya ng may biglang traffic enforcer na lumapit sa akin
traffic enforcer: may banggaan! dun
ako: anu po nangyari?
traffic enforcer: may aksidente dun motol..
ako: motol? (kala ko putol )uyy!1 putol daw bilisan natin
workmate: tanga motor daw!!
ako: haha. sorry tao lang
at literal naming tinakbo ang naaksidente buti na lang at kaunting galos lang ang kanyang natamo.
2.** papauwi ako galing trabaho at kasalukuyang nasa biyahe
ako: bayad po? (habang inaabot ang bayad sa katabi)
katabi: (tumitig ng masama sa akin. kunot ang noo at itinaas ang isang kilay)
ako: anu kayang problema nito? (sabi ko sa aking isipan)
katabi:( patuloy pa rin sa pagtitig) anu to jeep?
ako: (napahiya dahil naalala ko nakasakay pala ako sa bus) hehe
Lately may nakilala akong isang kaibgan. Hinahamon daw ba akong basagan? haha. Hindi nya alam matagal na akong Basag. wala na ngang babasagin itlog na nga lang eh. haha. Pero wag ka. Isa sya sa pinaka maganda kong friend. AS in. Parang bidang artista sa isang fairytale movie. ibang iba sya. Sa unang tingin perfect na perfect xa. wag ma lang kakausapin. tiyak magsisisi ka. wahaha. Pero ang buhay nya pang fairytale din. Sa likod ng kanyang mgandang mukha ay may dramang nagtatago .Tumatakbo ang problemang mahirap malagpasan. hoping na sana makatulong ako sa kanya.









October 21st, 2009 at 8:08 am
ahh magsisisi pala ok… now i know… cge di na ko makikipagusap…. kasi nagsisisi ka pala thanks ha… ganyan ka pala