usok ng maynila

August 24th, 2009

malaki na talaga ang pinagbago ng buong metro manila , bibihira na lang ang hangin na masarap langhapin. madalas ang hangin na nalalanghap ko ay hangin galing sa tambuntso ng mga sasakyan at sigarilyo.  hangin na makati sa ilong at sa lalamunan,! hangin na nakakahigh,  hangin na nakakacancer at hangin na nakakamatay. wow! hanep!

minsa’y may natanong ako sa isang taong naninigarilyo. “bkit po kayo naninigarilyo? ” naasar lang ako sa sinagot nya sa akin.  ang sabi nya ay ganito :

mas prone kz sa lung cancer yung mga taong hnd nagyoyosi, hnd kz cla immune sa usok. kaya ngayosi n rin ako.

(wow! hanep sa palusot.  ibig bang sabihin ba nun mkikidagdag pa xa sa mga papatay sa kapwa nya!?)

damn! hnd naman ako galit sa mga taong nagyoyosi .. pero minsan ay este madalas palang  sumasama ang loob ko sa kanila. OK lng sana kung sa tamang lugar sila nagbubuga ng nakakalasong hangin nila.  pero hnd eh. tsktsktsk talaga..

ayoko dumating ang araw na ang hanhin na hihingahin natin may bibilhin na natin sa sabrang taas na ng pollusyon sa pilipinas.

SANA ALAGAAN NAMAN NATIN ANG MGA BAGAY NA PINAHIRAM LANG SA ATIN. kung sa kaibagan nga natin pag nanghiram tayo ng gamit niayaw nga natin magasgasan db? eh panu pa kaya na SIYA ang nagpahiram ng kalikasan. dapat alagaan natin to the max

The End

isang milyong bakit

July 29th, 2009 Tagged , ,

Sa lahat ng napagsabihan ko,

Halos iisa lang  ang bukang bibig nila.

bakit?

baket?

baaakeettt?

bhakit?

bakit?

at

why? (englishera pa nga  yung isa eh)

sabi ko namn …

bkit hinde?
madami ang nagtaka. pero xempre wala silang magagawa.  desisyon ko to eh.. at pagnagdecide n q. himala na lng makakapagpabago ng isip ko kapag alam kong tama ako..

xempre hnd ko malalaman kung tama  ang isang bagay hanggat hnd ko nasubukan at naramdamang  nagkamali ako.

medyo nakakatuwa nga lang pkinggan pero marangal nmn  ito. at ang mgnda pa gusto ko naman toh..

ano ba ang sinabi ko sa knila? sabi ko lng nmn na  MMDA ako. haha. xempre pasuspense lng ako. kaya sila nagtaka kasi hnd nila alam na may rescue team na ang MMDa. kala nila traffic enforcer eh..hehe

tama malapit na ako magsimula bilang MMDA rescuer.

KALSADA ANG MGIGING PANGALAWANG TAHANAN KO

sa palagay ko mas may silbe ako d2 kaysa sa hospital at sa bahay. though mababa ang sweldo mgnda nmn sa pkiramdam angmay silbe ka sa lipunan

sawa na akong maging walang silbe.

Wala akong lakas na gaya ng kay superman, wala din akong bilis at liksi gaya ng kay  flash at lalong hnd ako kasing kisig ng night with a shinning armor ninyo. Pero handa akong magsilbi at mging tagapagligtas ninyo sa oras n kelangan ninyo ako. haha (bangis)

naniniwala ako sa kasabiahang BASTA METRO GWAPO..haha

sa milyong milyong tao sa mundo, Ikaw lang ang napili Ni LORD na mging ikaw. alam kas NIYA na ikaw lang ang may kakayahan na mging Ikaw .

Para sau talaga ang problema..para sa ikakabuti mo..

binigay sau yang problemang yan dahil ikaw lang ang may kayang magsolve nyan.

The End

paalam na OB..

July 18th, 2009

nagbabasa ako ng naruto manga nang bigla ko naisip na

2months after na pala  nang una kong iniapak ang mga paa ko sa komplikadong mundo ng mga kababaihan sa OB WARD..Ngaun bkit parang ang hirap ilabas ng mga paa ko na nasanay na d2? ewan

nung una ng nalaman kong sa OB aq maasign. sabi ko sa sarili ko

“patay wala akong matutunan!”

nagkamali lang  pala ako.

maraming mga bagay ang itinuro sa akin ng maikling training q duon. mula sa mga patiente at knilang mga bantay,mga kababaihan, mga kaibgan, mga kasama, mga doctor at mga nakakataas..

PASYENTE - ibat ibang pasyante ang dumaan sa aking mapangalagang kamay (naks.. may ganun) meron akong nakilalang kapitbahay lang pala namin, asawa ng pinsan ko,  officer ko school , may topak, sobrang yaman,, , meron ding mahirap , wlang kasing hirapo kaya naman mga bilanggo,Hnd din mawawala ang sobrang kulet, sobrang sunget o kaya minsan naman ay sobrang bait. haaaayyyy..

sa knila nalaman ko ang halaga ko bilang  isang nurse! na nandun cla hnd dahil trip trip lang nila kundi dahil kelangan nila tayo. Para sa akin hnd sila pasyente, They are humans that needs  love and care.

BANTAY at BISITA - haha,hnd naman lahat pero karamihan, as usual sila ang pinaka sakit sa ulo sa hospital. mas matindi pa sila sa pulis kung magtanong, mas grabe pa sa chief nurse kung mang-utos at higit sa lahat sila mas nakakatakot pa sila sa aswang kung magalit! ahehe.. But i salute them! It shows lang na kung gaano sila kconcern.. minsan nga mas magling p talaga sila.

(oo na mas magaling na sila mas cute namn ako,,bleah)

KABABAIHAN - dit umiral ang mundo ko sa loob ng dalawang buwan. natutunan ko dito ang ibat ibang klase ng lochia. haha. amoy pa lang distinguish na distinguish na. nyaahaayyyy.. Nalaman ko rin ang hirap na dinadanas nila.. ang sakit at kirot s twing manganganak sila. Damn. narealize ko walang sense ang pagkakaroon ng mgnda, seksi o maraming girlfriends kung hnd mo cla kaya alagaan. huwag natin clang lokohin o paglaruan. ang hirap pala ng buhay nila.

(asuuusss.. ako b talaga nagsulat nito??)

hmmm. huhu. naalala ko tuloy yung crush ko.. lagi na lang. parang naririnig yung mga tawa at halakhak nya. wheeww nung nkita kong nakatingin xa sa akin habang nakangiti, DAMN! muntik na akong matunaw parang icecream!

(ok lng  matunaw bsta didilaan nya ako parang icecream! haha!!bad marvin bad!)

FRIENDS & Colleagues - syempre! sila ang d best! sila ang mga kakampi ko nung nsa hospital pa ako. lahat cla may itinuro sa akin sa knila knilang paraan. Hnd mawawala ang katuwaan, kulitan,tampuhan, asaran, suntukan, saksakan, patayan,barilan, hostage taking, haha, joke lng. hehe. alam ko mhirap magkawatak watak ang grupo. it was a great pleasure na nakilala ko sila. salamat salamat.

It was destiny that brought us together now its our choice to see each other again ryt? ( hnd ko alam san ko napulot to!! haha) this is not the end! simula pa lng ito ng samahan natin.. hnd ko sasabihing see u soon it is better kung sasabihin kung see you later aligator.. kopyahan sa eksam ha? haha

dOCTORS,, - wla nkong masabi eh bye!! wahahaha. cguro hnd lang ako maxado nkipagkaibgan sa mga doctor dun..wala kasing pansinan eh.. hahaha. uhmm alam ko na.. natuto ako sa knilang magpareseta ng gamot.. haha. pero mababait sila ..sana..

STAFF and CM - well well well, ang natutunan ko sa knila ay….sobrang dami. from A- Z..ibig kong sbhin lahat ng pwedeng gawin sa hospital from Admittion hanggang z? anu ba ung Z?  wala ako maisip eh… alam ko na ..hanggang sa ma dischargeZ ..haha. xensa na..

paalam na OB WARD ..

next destination..

“KALSADA” anu kaya naghihintay sa panibagong yugto ng buhay ko?

sa kada lungkot na dumating may sayang naghihintay mapansin.

The End

be ready to meet the end

July 5th, 2009 Tagged , , , ,

aysus!! nahahighblood nanaman ako!!

LOVE

panu ba naman nakita ko ang crush ko na may kasamang ibang lalake! badtrip..

hnd pa nga kmi nanlalake na xa agad. wahaha. ASA nanamn ako.

bahala xa mahirap yatang humanap ng katulad ko. rare ako eh..”rare” haha

ANG sarap sa pakiramdam na makita mong nakangiti ang babaeng type mo pero ganun naman k-OUCH kung ibang lalake naman  ang nagpapangti sa kanya..

anyway… hnd yan ang topic ko.

malapit na kz matapos ang training ko. mga isa o dalawang linggo na lang.

hnd q alam kung natututwa ako kz.

Tapos na ang araw -araw na laging  pagod at paghihirap. ang madalas na madalang sa pagkain tuwng duty time. ang palaging pagsunod sa utos ng nakatataas. ang araw araw na pagpupuyat. ang oras oras kumuha ng BP. Ang mahabang biyahe. ang umuwi ng gabi. ang umuwi ng umaga. ang pagakyat sa gate pagnasaraduhan na. ang pagpasok khit malakas ang ulan. ang maransasn ang walang holiday. ang makipagtulukan sa MRT. ang mamalantsa. ang maglaba araw araw. haaayyyyy.. salamat..

pero hnd ko din alam kung nalulungkot ako kz

balik na ako sa pagiging  magiting na tambay. balik na ako sa pagging sales manager ng sarili naming tindahan. balik na ako sa paggiging tulog kain.. San kaya ako pupulutin? dun sa kalye o kaya sa kalsada.

pero ang pinakamahirap na magaganap  eh yung pagka watak-watak ng samahan na naipuhunan sa maikling panahon ng pagsasama. yung tipong ikaw at ikaw at ikaw at ikaw  ay balang araw ay mghhwalay hiwalay dn sa takdang panahon.

naisip ko tuloy yung basketball game namin  ng aking mga kuya at kapatd kninang umaga.

basketball Pictures, Images and Photos

nagsimula sa zero to zero ang iskor. minsan iiskor ka.

funny basketball Pictures, Images and Photos

minsan naman yung kalaban. minsan masusupalpal ka, mnsan naman kaw ang mangbubutata.

ipapasa mo .

Basketball Pictures, Images and Photos

sasaluhin naman ng kakampi mo.

minsan maagawan ka

minsan madadapa ka

Good Basketball Pictures, Images and Photos

hnd pwedeng hnd ka masaktan

Basketball Slam Dunk Pictures, Images and Photos

hnd pwedeng hnd ka mabunggo

mnsan mapapahiya ka

Yuo Ming Pictures, Images and Photos

minsan naman kaw ang manghhiya

yan ang basketball

Mini Basketball Pictures, Images and Photos

dapat gawin mo ang best mo khit nakakapagod

khit nakakapanghina..

dahil pagnatapos na ang oras, manalo  o kaya matalo

ang mahalaga wala kang pagssihan..

kasi NAG- ENJOY KA!!

eto namn ang essence ng samahan db?

ang ienjoy ang bawat sandaling magkakasama kau.

The End

palit anyo

June 17th, 2009 Tagged , , , ,

dalawang linggo ata akong hnd nakapgnet at nkapagblog. kaya ngaun ay hinahanap hanap ng mga makakati kong mga daliri ang pagpindot pindot sa mga letra na makikita sa keyboard na toh.

puyat pa ako sa lagay na toh.  kung anu na lang maisip ayun na lang  ang ilagay

hahaha.

madami na ang nagbago makalipas ang isang buwan. Hnd ko akalain na ganito pala kabilis at kadali magbago ang isang buhay, ang isang ugali, ang  isang pagkatao, o anumang maaring baguhin. wala n ata sa mundo ang hnd pwede magbago.

may mga taong knina kaibgan mo tapos  pagtalikod mo kaaway mo na.

may mga bagay na knina ayos pa mamaya sira na.

at meron din namang pagtitinginan na knina mainit pa mamaya nagkasawaan na.

may mga bagay talaga na dapat baguhin. dahil kung hndi. Maiiwan kang constant at nkatiwangwang sa isang lugar. kung baga sa tubig kung stagnant ka dun maaring mamuhay ang mga lamok na maaring simulan ng pagkakasakit ng ibang tao.

sa akin? konti lang naman ang ngbago.. eto lang sila

nagroon lang naman ng kalyo ang hinlalaki ko sa paa. wala na akong pkiramdam dun. pinipitik pitik ko nga eh. haha

nung una isa ako sa mga  taong tinutulak tulak  lang sa mRT ngaun isa na ko sa mga lecheng nanunulak. bahala na si totoy bato. Magalit na ang magalit. ganun din naman eh. kung  hnd ka manunulak ikaw ang maiipit , madadapa at mhihirapan. so manulak ka na lng..

Dati wala akong katiwalatiwala sa kakayahan ko bilang nurse. panu ba namn nung istudyante palang ako wala akong inatupag kundi matulog. magdrawing. uminom ng c2 sa labas. bumili ng fishball sa regalado. maglakwatsa. magdota. magbasketball. manggulo ng mga seryoso sa pagaaral. mamilosopo. manarantado. magpacute. magdungis. magkalat. magpakalat kalat. manahimik. at mangtrip. haayyyyy.(ang tanging hnd ko lang ata gnawa ay makapgdaldalan)

buti nga sa awa ni flinstone isa ako sa mga taong pumasa ng board exem na hnd siniseryoso ang pagaaral. nagkataon lang malakas ang instinct ko manghula ng sagot. ayun kasi ang specialty of the house ko. hehe

ngaun. Alam ko na nurse ako. mapagmamalaki ko na ang kursong tinapos ko. madami na akong alam na hnd ko natutunan sa aking Inang paaralan.

marunong na Ako magmagic ng VS

marunong na ako magsinungaling sa pasyente( white lies naman)hehe

marunong na ako magpalusot kung bkit lagi late

marunong na ako magpanggap na doktor sa mga patiente

(dok kasi tawag sa akin eh . hnd na lang ako umaangal)

marunong na ako hnd magpanic (relaxation teknik lng pala ang kelangan)

marunong na ako magtiwala sa aking mga kakayahan at kaalaman

at higit sa lahat natuto akong mahalin ang mga patiente ko.

ang sarap sa pkiramdam ang  marinig ang mga patiente mo na sinasabi:

buti ka pa maalaga sa patiente mo. nkikita namin na talgang concern k sa amin”

aalis ka na? dapat kasing bait mo ang papalit ha?

nakakatuwa. khit na pagod na pagod na ang katawan ko at stress n stress n. nakakagaan ng loob ang ganung mga bagay. na khit na ganito ako. meron palang mga taong nakakaappreciate sa konting serbisyo at tulong na nagagawa ko.

ang laki na ng pinagbago  ko simula ng nagenrol aq sa training na toh.. alam ko na o GREW up.nakakalahati ko na. senior member na ako ngaun. yehey!!

tama sila. Sa mga pagkakataong nabigo ka, pumalpak ka, nadapa ka, nadurog ka, wag kang mawalan ng pagasa. Atleast sa susunod na mangyari ulit ang mga pangyayaring maari mong ikabigo, ikapalpak, ikadapa at ikadurog maari mo ng maitama ang una mong naging pagkakamali.

nga pala nangitlog na ipis namin sino gusto huminge?

Help! Pictures, Images and Photos

Kung sakaling nawawala ka  o kayay naliligaw sa daan ng iyong buhay.  Dont worry Tumingin ka sa tabi mo. May Nakahawak sau .anjan lagi si  Lord sinasamahan ka  sa bawat paglakad na ginagawa mo.

sa mundo lahat nagbabago maliban sa isa at bukod tangi. ang pagmamahal ng Diyos sa atin.

Jesus Changes. Save? Pictures, Images and Photos

The End

inunti unting inunti unti

June 4th, 2009

sabi ko nga ba! dadating din ang araw na eto. malamang hndi namn natin mapipigil ang pagtakbo ng ating  nagmamadaling oras. anu b meron? hnd q din alam. haha. basta ang alam ko  tag ulan na. Hnd lang basta tag ulan kundi tagbagyo na.. anung konek? wala lang nangtitrip nanamn ako. binabaha nanamn ng kabaliwan ang tahimik kong utak. utak? meron b aq nun? haha. xempre naman.

eniwei magseseryoso na ako. 3 days na akong walang tulog sa gabi. panu ba namn kasi night duty ako. kaya minsan na lang ako makapagnet at mkapaglibot libot. kaya cguro bangag ang pkiramdam ko at medyo sinusumpong nanamn ako ng kabaliwan at kasiraan ng ulo.. buti na lng at off ko ngaun. malamang bukas hnd na. papasok nanamn ako sa traning.

iba pala ang pkiramdam ng gising  sa gabi. lahat ng pwedeng isipin eh maiisip mo. halimbawa na lng pagnagrorounds ka sa hospital pkiramdam mo sa kada footstep mo ay may  sumusunod ding ibang footstep sayo. pagnilingon mo naman ay wala kng makikita kundi ang sarili mong anino. tapos minsan naman bigla na lng may tatalong pusang itim sa harap mo. SCARY TALAGA!! Pero hnd pa jan nagtatapos ang istorya! may mga pagkakataon ding sa bintana ng hospital  ay may naninitsit.. wariy eksena sa pelikulang T2.

Subalit may mas scary pa ba sa pagiinject ng malaking injection? tama! takot ako sa injection nung bata pa ako. kaya ngaung NURSE na ako. medyo nahihirapan  pa rin ako maginjection sa mga patiente. todo nginig ang ngyayari sa kamay ko. parang may sariling buhay. hnd ko makontrol. halos lahat ng nakakita  sa akin eh natatawa na lang. ibat ibang mga comment ang naririnig ko. sabi ng iba parang may epilepsy lng. ang iba nmn tinatanong kung nakokoryente daw ba ako? huhu. bkit b kasi nagninginig ako? hanggang ngaun hndi ko pa din alam.

pero eto ang story ko nung bata pa ako.

naglalaro ako sa may bakuran ng bahay namin nung bata pa ako. gamit ko ay yung aking lumang tsinelas na kasing nipis ng kokombond. Naalala ko naglalaro ako nun ng LANGIT AT LUPA kasama ang aking mga kababata.

sabay sabay namin kinakanta ang themesong ng laro. ganito pa nga un eh.

langit lupa impyerno. in in impyerno. saksak puso tulo ang dugo. patay buhay umalis ka n jan sa pwesto mo. viva.

kaya mabilis akong tumakbo para maghanap ng mapapatungan. inuulit ko mapapatungan. haha. bata pa lang hilig na pumatong eh noh? at nakakita ako ng isang malaking kahoy. kaya dali dali akong tumalon dun at sumigaw nang…

ako: langit!! araw! ang takit!

taya: nu nanyari tayu?

ako: ang takit natutok ako. tawag kayu doktor (umiiyak na)may pako!

taya: hala!! may lalabat na tren jan. ladot ka!

ako: nasaksak ato. dali tulong mo ko.

(parang eksena sa pelikula ang mga pangyayaring iyon)

sa bahay……..

mama: anung nangyari sayo?

ako: tapak po ng pako. huhuhuhu

at dali dali akong dinala sa hospital

nurse:  anu nangyari sau baby? (hawak hawak ang isang injection!)

ako: natapak po ng pako!

nurse: dapa ka! (sabay ininjectionan ako sa pwet ko)

ako: aw aw!

nurse: aw aw? aso k b? hnd naman masakit eh

Butt Injection Pictures, Images and Photos

nangasar pa ang nurse na toh! dun nabuo ang takot ko sa injection. natrauma ata ako eh. dun din umusbong ang idea ko na balang araw gaganti din ako.

parang kabaligtaran nga ang nangyari sa akin eh. kung anu ang ayaw ayun pa ang napunta sa akin. mapaglaro talga ang tadhana. pero lately unti unti ko na natutunan maginjection. though. may konting nginig factor pa. medyo kayang kaya ko na. madali lang naman pala eh.  iniisip ko na lang ham un..

wala naman bagay na madali db? mas mgnda kung pinaghihirapan.

kung may problema ka! wag ka malungkot! dapat nga matuwa  ka kasi alam mo! mahal ka ng Diyos. gusto lang Nya lumapit ka sa kanya.

The End

butiki sa billboard

May 23rd, 2009

Hawak hawak ko ang aking cellphone habang wala akong mgawa sa aking bahay.  Nagmumuni muni sa mga bagay na maaring mangyari. Sa mga bagay na pwedeng maganap makalipas ang ilang araw, ilang buwan at ilang taon. Sino na  nga ba ako sa mga panahong iyon. Ano na kaya mga pinagkakaabalahan kong mga bagay-bagay sa paglipas ng mabilis na pagandar ng oras. Ganito pa rin kaya ako? inuubos ang oras sa paghahanap ng mga bagong scandal sa internet  ( joke lang .haha) o kaya naman naglalaro ng Mafia wars sa facebook at sa tagged o anumang bagay na maaring mapaglilibangan.

Ewan ko ba kung bakit sa dinadami ng mga kurso sa mundo nursing pa tinapos ko. haha.(iyaktawa) Cguro may plano lang talaga si Lord  para sa ating mga nurses. Ang maging taga pangalaga ng taong may mga sakit, Ang magbigay ng serbisyo na tayo pa ang nagbabayad, At makatulong sa mga nangangailangan na walang hinihinging kapalit .Ayun naman ang importante db? Hnd yung mga kayamanan na kikitain natin. tama b?

share ur blessing nga db?

Nagbayad nanaman ako para sa panibagong training. ngaun for 2 mos na  at sa hospital na ako nkaaasign.  Sa sobra kong swerte dun ako sa OB ward naasign. hehe. sa batch namin sa 17 trainee ako lang ang nagiisang lalaki. o db? ang swerte ko talaga! Puro babae ang gumagalaw sa mundo ko ngaun sa hospital na eto. Masaya naman. kasi madaming view. ibat ibang  klaseng view.

1_203222184l.jpg

ganyang mga view. nakatutuwa panuorin ang mga cute na baby. Yung mga ngiti ng mga mommy ng una nilang masilayan ang knilang mga anghel, yung mga pagaalala ng mga tatay sa knilang magiina. Dun mo mkikita ang isang buong pamilya.

pero hnd lahat ng pagkakataon eh happy ending. meron ding mga sad stories. may mga pagkakataon na pati ako eh maluhaluha nung nkita ko ang isang ina na umiiyak dahil sa hnd sinuwerteng mabuhay ang kanyang baby. hayyy. nakakalungkot isipin pero ganun talga ang buhay ng tao.

Lahat tayo ay may kanya kanyang laban. Nasa sa atin na kung panu natin haharapin eto. pwede mong ipagpaliban, pwede mong paghandaan,pwede kang umiwas,pwede mong ayusin,pwede mong dahan dahanin pero ang hnd mo pwede gawin eh takasan. dahil hahabulin ka nito khit san ka pa magtago.

sa aking paguwi sa duty. habang nakasakay ako sa MRT. Napaisip nanaman ako.

may nabubuhay kayang butiki sa billboard?

kung ganun. ang nurse pala  ngaun ay parang butiki sa billboard. Hndi madali ang pagkapit, ibat ibang usok , ingay at lakas ng hangin ang kelangan lagpasan para manatiling nakadikit. delikado at walang kasiguraduhan. Minsan hnd na napapnsin ang khit anung sakripisyo na knilang ginagawa.

bkit nga ba nasa billboard ang butiki? hnd ko alam. cguro thats what they HAVE to do or thats what they LOVE to do.

never give-up, never give -up,never backdown (from the movie never backdown)

ang problema ay parang langaw na nakaamoy ng tae. lalapit lalapit yan pag may pagkakataon

- kikilabotz

The End

hey hey are you okay?

May 6th, 2009 Tagged , , , , ,

Alas sinko ng madaling araw nang magising ako. Bumangon ako at ginising ko ang aking ate para yayain magjogging. sa Kasamaang palad, Sinumpong  nanamn  ang aking ate ng knyang sakit. Ang sakit na katamaran.

Napagisip isip ko matagal na pala ng huli kong ginawa ang pagising ng maaga para magjogging. Since ng bumagsak ako sa Agility exam. Nawalan na ako ng gana. Nawala na yung kinukuhanan ko ng lakas para magpatuloy, Nawala na rin yung bagay na kinakapitan ko para  manatiling nakatayo. wala ng lahat. wala na

Marami na pala  mga bagay na naganap sa mga nakalipas na linggo. Marami na rin akong  mga natutunan at nalaman. At super dami na rin ang mga bagay ang aking pilit na kinalimutan.

Isa na dito nang magpasya kmi ng aking kaibigan na si elden na mag enroll ng training sa redcross ng BASIC LIFE SUPPORT.

ibang klaseng karanasan ang aming naexperienced dito. Nakakita ako ng mga bagong mukha. unang tumambulad sa aking mga mata ay ang instructor namin.  Xa daw ang heartrob ng redcross.. hahaha na lng. nung una ko xa nakita natawa agad ako sa banat nyang mga jokes.

ang pinaka Hnd ko makakalimutan tinuro nya ang mga katagang eto

” ang puso ay involuntary muscles kaya dito kinuha ang kasabihang Hnd kayang diktahan ng utak ang puso dahil may sarili itong pagkukusa”

Nang nagkaroon kmi nung panahon mgbladder break. pero hnd lang bsta bladder break ang ginwa namin. bumaba kmi sa canteen para magmerienda. Pagpasok na pagpasok ko sa isang tao lang aq napatingin

sa isang babaeng nkascrubsuit

babaeng nagtataglay nang kakaibang gnda

mga ngiti nyang hndi ko malilimutan

wala akong ngawa kundi pagmasdan  xa

pagmasdan ang gnda nya.

habang akoy..

tameme at

at umasang makitang muli ang matatamis nyang ngiti.

Damn!! (sabi ko sa sarili). At sabi ko naman sa kaibgan ko ” den tignan mo oh chiks”  sabay sbi nya sa akin ” ayaw ko nyan matanda na. ”

hnde ko n maxado pinansin ang sinabi nya. Iniisip ko  kung makikita ko pa kaya muli xa knabukasan.

itinuro na sa amin ang tamang pagrevive sa mga nawalan ng pulso at hininga. At eto ang mga pinakabisado sa amin

i have my Body substance Isolation precaution on

scene is safe

i have a victim here

i am blah blah trained first aider can i help?

call for ambulance as i assess the victim

hey hey are you okay?

hey hey are you okay?

follow up medical support as i do cpr/rescue breathing

the victim is revived

follow up medical support as i do secondary assesment

yan! yan! yan ang mga prayers of saving life.

sabi nga ng isa kong instructor dun

” mas madali ang pumatay kaysa sa sumagip ng buhay kaya magseryoso kau.”

wow. at natapos ang araw na marami akong natutunan.

kinabukasan ay return demo na namin, at  eevaluate na mga natutunan namin. At xempre pasang awa ako. haha. aq sa exam hnd ko kaz maxado naintindihan ang mga tanong dun.. pero sa return demo ok naman cguro ang result. matapos ko gawin ang lahat ng mga requiremnts bumaba ako sa canteen.

dun ko muling nkita ang babaeng nkascrubsuit

hnd n xa nkascrubsuit ng panahon n un

ang suot nya ay green.

wala p ring pinagbago. gndang gnda pa rin ako sa knya

tumitigil ang oras ko kapag napaptingin ako

nkita ko ang pagbuka ng knyang mga bibig

ang sabi ay 4 days n lng.

dun ko nalamn na isa rin pala syang trainee d2. sayang at hnd kmi nging mgkaklase cguro dhil mas mayaman xa at dun cla nakaroom sa aircon. haaayyy. malapit na ako magpaalam sa redcross makikita ko pa kaya xang muli? damn. aasa na lang b ulit ako sa tadhana?

tapos na ang training namin. natapos na rin ang chance na mkita ko ulit ang babaeng nkascrubsuit. paaalam na. hihintayin ko na lng ang muli nating pagkikita. kung meron man.

Naging mabilis at maikli lang ang aming training d2. Pero masasabi mo na sa bawat segundong lumilipas na nandoon kmi ay nging sulit at hndi mo pagsisisihan.

sabi ng referee kay hatton. Hey hey are okay? parang ganito lng  yung pinag aralan ko ah? congrats money pkyaw este manny pacquiao pala. maraming salamat sa pagtataas sa bndila ntin. idol

Only God Knows What will happen but i promise i will do my best

-manny pacquiao

The End

SANA NAGARTISTA NA LANG AKO!

April 7th, 2009 Tagged , , , , , , , , , , , ,

Nagsimula ang lahat ng mauutusan ako ng aking tatay na magapply sa NAPOLCOM ng elgibilities para maging pulis. Nong una ayaw ko pa. Para naman kasing napakalayo ng kursong tinahak ko sa pagpupulis na yan. xempre dahil utos ni ama eh wala akong mgawa tutal tambay nmn ako.

Pagdating ng buwan ng oktubre kumuha na ako ng PNP entrance exam. Hnd ko maxadong sineryoso  ang pagsagot sa bawat tanong na nababasa ko. Naalala ko nga may katanungan pang  kung anu ang  pangalan ng leader ng MILF na nanggegera sa Mindanao. Buti na lng may choices. At dahil may choices mas madaling hulaan. Board exam nga nahulaan ko eto pa. tsktsktsk.

Sa kabutihang palad after 3months ay lumabas na ang result. Hnd naman  sa pagmamalaki  ay alam kong pasado na ako.Pumunnta agad ako sa NAPOLCOM para iverify ang result. Hnd naman nagkamali ang aking kutob at pasado naman ako. Nagtanong ako sa kanila kung what ba ang nxt step sa pagpupulis at pinayuhan ako na magpunta s camp crame.

Sa pagpunta ko s camp crame tinanong ko yung Pulis na nagbabantay sa gate ng crame.

ako:  sir san po b pwede magapply para magpulis?

pulis: Magpupulis ka? sigurado ka? Dun ka s HSS

ako: SAn yun?(habang kumakamot sa ulo)

pulis: (tinuro ang direksyon) kunin ko ID mo

ako: (nilabas ang licensed as nurse) eto po sir

pulis: oh nurse ka tapos  magpupulis ka? sabay ngisi

Matapos ang mahabang habang usapan sa gate guard ay hinanap ko na ung HSS na un. nagkaligaw ligaw pa nga ako.Pero buti na lang at nakita ko rin ung building na hnahanap ko. DUn ko nakita ang isang babaeng pulis na ngbabantay sa reception area

ako: mam san po b pwede maginquire sa pagpupulis saka mga requirements po

babaeng pulis: sino magpupulis? papuntahin mo xa dito

ako: mam ako po sana eh.

babeng pulis: magpupulis ka sigurado ka?

ako: opo eh (tapos smile) napagisisp isip ko parang dejavou

babaeng pulis: cg pasok ka jan

ako: thank you po

at dahan dahan akong pumasok sa isang pinto. damang dama ko ang aircon ng kwartong yun.. Naghanap ako ng mapagtatanungan.Hinanap ko yung taong mukhang mabait. Sa kasamaang palad ganito ang eksena

ako: mam hihinge po sana ako ng requirments para magapply ng pulis.

babaeng mukhang mabait: Hnd ka b pwedeng maghintay jan! (galit na sinabi)

ako: ok po, paxensa na po

akalain mo kung sino ang pinaka mukhang mabait xa pala ang pinakamasungit. buti na lang may lumapit at parang naawa sa akin dahil pawis na pawis na ako at inabot sa akin ang isang mahiwagang papel na naglalaman ng mga requirments.

manong na lumapit: oh eto ipaphotocopy mo sa labas

ako: ay sige sir.

paglabas ko . wla akong mkitang paxeroxan ko kaya ginamit ko ang aking mhiwagang ballpen at papel para kopyahin lahat ng nilalaman. sabay bumalik na agad ako.

ako: sir eto po, salamat po

manong pulis: ang bilis ah? teka sino magpupulis? ilang taon k n b?

ako: ako nga po eh. 21 po sir

manong pulis: kala ko nautusan ka lng bumili ng suka. (sabay tawa)

ako: (tawa na rin) oo nga po eh.

manong pulis: ayaw mo magartista na lng? anu b course mo? board passer b?

ako: sir ipaubaya ko na lng sa ibang mas gwapo angpagaartista (pabiro kong sagot) nursing po at board passer n rin po.

manong pulis: ayos ah? cg bumalik k d2 ipasa mo yang mga requirments mo sa akin.

ako: cg po sir. salamat po ulit. (sabay alis)

umpisa pa lang wala ng nagtitiwala sa akin sa pagpupulis ko. gusto ko nga ba to? tanung ko sa sarili ko. parang! parang! at unti unti ko ng nagustuhan. hanggang naging desedido na ako. Dun na nagsimula ang pangarap ko sa buhay. Nagkaroon ng direksyon ang aking pagkatao. Sa wakas may gagawin na ako at hnd na mgiging tambay.

kinumpleto ko ang aking mga requirments at pinasa. Grabe din ang hirap na dinanas ko. samot samot clearance ang kelangan  ipasa at dapat lahat authenticated. ginto, pawis, dugo, sipag ang kelangan.

sa NSO

ako: mam kukunin ko na po birth certificate ko for PNP requirments po

teller: magpupulis ka? kaya mo? bkit?

ako: simple lng mam. gusto ko lang baguhin ang masamang imahe ng kapulisan ngaun! (joke lng) eto ang tunay kong sagot

” gusto ko po eh.”

teller” naku! mgiging babaero ka lng dun. madadagdagan nmnn ang babaerong pulis

ako: ahahaha. hnd naman ako babaero nmn eh(sabay kuha s NSO ko)

dami tanong! iaabot n lng.tsktsktsk. haba na ng pila sa likod. nagpaparinig na nga eh. kaya dirediretso akong umalis

Sa wakas nakumpleto ko n ang mga requirments ko. Nakahanda na ako para ipasa ang mga nasabing  requirments,Wow! pagpasa ko rejected agad. hehe. tatlong beses ko binago ang folder ko. Napakamabusisi. dapat lahat tama. dapat lahat maayos. dapat lahat malinis ang pgkakagawa. ininterview ulit ako

po1: magpupulis k?

ako: (ilang beses ko n narinig ang tanung n to ah?) opo mam

po1: kaya mo? magartista k n lng. sali k survivor

ako: ahehe. mam talaga mapagbiro

po1: bwahahahaha(wariy naninindak)

matapos ko ng mapasa after a week lng pinagreready na kmi s agility exam. anu un? eto ung bibilangin kung ilan ang kaya mong push ups,pull ups,sit ups, 100m dash at 1k run. wow pare heavy! buti na lng medyo alam ko na na magkakaganun.Kaya every morning nagjojogging ako, tumatakbo at lahat ng pwedeng pghahanda ginawa ko. proper diet blah blah blah blah. masakit na katawan ko pero tuluy p rin ako. unti unti ko nman nkikita na ngiimprove aq ako. mula s 5 pushups eh 25 n ngagawa ko.pero hnd p sapat hanggang dumating sa araw n ng agility exam.

lahat ng pwedeng lapitan nilapitan ko na. binabaan ko n ang pride ko kz alam ko malayo p ako sa minimum requirments na kelangan.

nagsimula na ang lahat. pinatawag kmi ng alas 11am pero nagsimula kmi ay 5pm na. Muntik pa akong hnd makapgexam dahil naiwan ko pa medical certificate ko. Pero ngawan ko ng paraan tinakbo ko ang pinakamalapit na diagnostic center dun. at muli kming sinukat ang height. dun palang madami na ang nalaglag. 100 kming applicant pero 60 n lng kming natira. then pinagperform na kmi.

sobrang sakit n ng katawan ko. muntik n nga rin akong magkolapse dahil tinodo ko talaga. maghihintay na lng kmi ng result. at knina nina lang lumabas na ang result. Xempre anu p b? c Marvin ata to. malamang..BAGSAK. oo bumagsak ako. 74.5 ang nkuha kong rating and ang passing ay 75. wow. 0.5 n lng 0.5 n lng. isang push-ups na lng yun pasado na ako.anung ngyari?

after all the hardwork. after all the persevearance, babagsak din pala ako. ginawa ko ang lahat pero hnd ko kinaya. ang dami kong binigo. sarili ko,mga magulang ko,mga kaibgn ko. hayyyyy. sabi nga ng tatay ko

“kung para sa akin talaga yun papasa ako. pero 74.5 ka parang may pumipigil sau. baka May ibang plano para sayu ang Diyos”

sa huli napagtanto ko.

wag kang aasa sa mga backer backer n yan. asan na yung mga pangako nila? natulungan k b nila?

ang pinakamaasahan mo eh ang sarili mo. ang pinakamalaks mong backer ay ang Diyos at ang mga qualifications mo.

(ahuhu. eto sana isasagot ko sa interview eh. pinagihrapan kong isipin yan)

ang tanung: SUSUKO N B AKO? SAN KAYA AKO DADALHIN NG MGA PAA KO?

1_993815199l.jpg

happy holly week.

give our time to the Lord and The Lord will give His

The End

bilog ang circle

March 23rd, 2009 Tagged , , , , , ,

tuwing sasapit ang 530 ng  umaga , Bago pa magkokorokok ang mga manok. babangon na ako para mghanda sa aking pagjojogging. Isa  kz eto sa mga pangako ko sa aking sarili para maging healthy at  wealthy.

Mahirap sa umpisa pero mas mahirap din pagtumatagal na.  Hnd lang kz pagod at hingal ang kalaban mo d2. Ang BIgBOss na makakalaban mo ay ang sakit na katamaran.

Sa tuwing magjojogging aq pakiramdam ko paikot ikot lang ako. Malamang nasa quezon city circle kazsi aq. Dun ko napagtanto na bilog pala ang circle

Ibat iba ang nakikita ko pagnasa circle ako. mga matandang naglalakad, mga asong cute kasama ang knilang mga among panget, mga pwet na nagkekendengan habang sumasayaw ng aerobics, mga magsyotang nakaholding hands habang nagjojogging, mga seksing chikas na  nakatingin sa akin(wahahaha) at marami pang iba.

kapag nagjojogging ako pinapagana ko ang aking walang humpay na  peripheral vision. kaliwat kanan nkikita ko ang lahat ng mga pangyayari. mabilis ako manghina kapag wala maxadong mgndang babaeng nkikita pero pag may magagandang chicks at merong nagaalugan ay game na game ako.At  nanginginig pa!!hehe

pagkatapos ko magjogging ay bibili na ako ng buko juice. malamig na buko juice. ibabandera ko iyon sa iba pang nagjojogging para inggitin cla.hmmmmm. ang sarap.  matapos ko clang takamin ay uuwi na ako. (nananarantado lang)

Eto ang mukha ng quezon city twing umaga. HUWag k! pagsapit ng gabi ay nagiiba ang itsura neto.

matagal ko nang naririnig ang balita sa kakaibang anyo ng circle twing sasapit ang kinagabihan. gumagnda daw? para sa ilan nakakadiri naman para sa akin.

minsan, last day ng semester namin at napagpasiyahan naming mgswimming ng aking mga klasmeyts sa montalban.  masaya na sana ang nasabing outing ng biglang nagttxt ang aking tatay at pinapauwi ako. ARAY!! nakalimutan ko palang magpaalam. wala akong nagawa kundi sundin si ama. nang biglang umulan. isang malakas na ulan. sumakay ako ng jeep kasama ko ang dalawa ko pang kaklase n umuwi n rin.

sa circle ako binaba ni manong driver. baha na kz. nag-abang pa  tuloy ako ng masasakyan papunta sa bahay namin pero wala n akong masakyan. maya maya msy narinig akong  “PSSSSSSTTTTT.” hnd lang isa pero madming pssssssssttt.

siyempre napatingin ako. pagtingin ko mga 4 o 5 kalalakihan? ay hnd pala kalalakihan, umhhhh mas mgnda kung twagin n lng natin clang kendeng boys. oo mga bading na nghahanap ng mga papa na mabibiktima.

at xempre binilisan ko ang lakad ko pauwi. naglalakad na lng talaga  ako. maya maya ng may isang puting kotse ang sumusunod sa akin. huminto ako at huminto din xa. sabay bukas ng bintana. bading nanaman! tinanong nya ako kung gusto ko daw sumabay sa knya ang sagot ay hnd na malapit lng ako, ayan lang ang bahay ko! pero ang totoo malayo pa ang bahay namin.

buti na lang at napaniwala ko xa. haaaayyy kakadiri talaga. kaya pala  nasabi nang iba na gumagnda ang circle twing gabi ay dahil madaming magagandang kendengboys ang namumumugad dun.

paikot ikot lang ang buhay ng tao.

minsan nasa ibabaw at minsan nasa ilalim      ( parang bastos ah).

minsan maliwanag at minsan madalim

minsan mabilis at minsan mabagal

minsan masarap at minsan masakit

pero khit gaano man kadalalas ang minsan

ang mahalga sa bawat pangyayari meron kang natutunan.

The End